Saging Epektibong Home Remedies Para sa Pagpapaputi ng Ngipin




Alam niyo ban a hindi lamang panghimagas ang saging dahil may iba rin itong benepisyo. Tulad na lang ng pagkakakilala dito dahil sa kakayahan nitong mapababa ang blood pressure at mabawasan ang panganib mula sa asthma lalong lalo na sa c@nc3r.
Makakakita tayo ng puno ng saging hindi lang sa ating bansa kundi pati na rin sa 106 pang bansa dahil ito ay sikat dahil nga sa mga benepisyo nito. Ang ilang americano ay mas gusto pang kumain na lamang ng saging kaysa sa mga apple o orange. Gamit lamang ang mura at natural na paraan ng saging, mapapaputi na ang ating ngipin!

Maraming blog o videos ang nakakalat ngayon sa internet ang nagsasabing kayang paputiin ng balat ng saging sa loob lamang ng ilang lingo. Sinasabi nilang may minerals ang balat nito na tulad na lamang ng potassium, magnesium at manganese na inaabsorb ng ngipin kaya iyo napapaputi pero ang totoo niyan, ang balat ng saging ay meron ring detractors na sinubukan ng ilang dentist sa loob ng 14 days at doon nakapansin ng improvement sa pagiging puti ng ngipin. Narito lang ang mga dapat gawin:
1. Pumili at Balatan ang Saging
Sa pagpili ng saging, kailangan hinog ito pero hindi nangingitim. Balatan ng kahit maliit ng parte ang saging at iwanan ibang nakadikit sa saging para magamit pa ito ng ilang araw. Subukang balatan ang saging mula ilalim patungo sa taas para mas makuha ang stringy layer na nakalay dito.
2. Kuskusin ang loob ng balat  sa iyong mga ngipin
Ikuskos ito sa iyong ngipin hanggang sa maramdaman mong natatabunan na ng banana paste ang iyong buong ngipin. Patagalin ito sa iyong ngipin sa loob ng sampung minuto. Huwag hahayaang dumikit ang iyong ngipin sa may labi para hindi matanggal ang banana paste.

3. Magtoothbrush
Matapos ang sampung minuto, kumuha ng tuyong toothbrush at gamitin ito sa pagsipilyo ng banana paste sa iyong ngipin. Dahan dahang ibrush ito ng circular motion sa loob ng isa hanggang dalawang minuto hanggang sa maalis ang hindi natin gustong bacteria sa ngipin. Pagkatapos, basain ang itong toothbrush para naman maalis na ang banana paste sa iyong ngipin. 
4. Gawin ito ng isang beses araw-araw
Hindi naman agad naipapakita ang resulta sa isang gamitan lang kaya namin ulitin pa ito sa mga susunod na araw ng hanggang dalawang lingo at doon mo na makikita ang resulta.
Wala namang mawawala kung subukan ito kaya kung gusto mo ay subukan na. Hindi rin naman masasayang ang ginamit na balat ng saging dahil pwede itong ihalo sa lupa ng halaman para maging fertilizer. Mayroon ring ibang natural remedies kung ayaw mo sa saging tulad na lamang ng Strawberry at Baking soda, lemon at baking soda, at pagkain ng mansanas.


+ There are no comments

Add yours