Simpleng Paraan Upang Matanggal ang Ubo Gamit ang Saging na Saba at Honey!





Ang pagkakaroon ng ubo ay sadyang nakakairita, hindi lamang sa taong nagtataglay nito kung hindi pati na din sa mga taong nakapaligid sakanya. Maraming dahilan ang pagkakaroon ng ubo, isa na dito ang pagkakaroon ng virus sa katawan.

Masasabi mong simpleng ubo lamang ito subalit hindi dapat ito ipagsawalang bahala dahil maaari itong lumala at magdulot ng hindi maganda sa iyong kalusugan. Ang simpleng ubo ay hindi nalalayong magdulot ng lagnat o flu. At kung mapapabayaan, ito ang magiging sanhi ng sak!t na bronchitis at pneumonia.

Ikaw ba ay naghahanap ng natural remedies na ipanglulunas sa iyong ubo? Basahin ang kabuuuan ng artikulong ito dahil makapagbibigay ito ng kasagutan at kaalaman.

Alam nating malaki ang benepisyong maihahatid ng saging sa ating kalusugan. Ayon na rin sa pag-aaral ang pagkain ng saging sa araw-araw ay nakaiiwas sa sintomas ng saki!t na asthma. Ang saging at honey ay kilala na epektibong pamamaraan ng paggamot sa ubo at sintomas ng lagnat. Nagbibigay rin ito ng kaginhawaan sa pakiramdam at naghahatid ng mga minerals at bitamina sa katawan. Kaya narito ang paraan kung paano makukuha ang benepisyong tinataglay ng mga ito.

Hakbang na paraan sa paglunas ng ubo. Kailangan na sangkap ay ang mga sumusunod:



-Tatlong piraso ng organic na saging o saging na saba

-Tatlong kutsara ng pure honey

-Kalahating litro ng tubig


Paraan sa paggawa:

1. Ilagay ang tubig sa kaserola at pakuluan.

2. Balatan ang saging at pagpirapirasuhin. Ilagay ito sa mangkok at durugin.


3. Kapag kumulo na ang pinakuluang tubig, Ibuhos ito sa nadurog na saging.

4. Idagdag ang pure honey. At haluin ito ng dalawang minuto hanggang sa maghalo ang lahat ng mga sangkap.

5. Maari mo na itong kainin nang maibsan at malunasan ang iyong ubo.


+ There are no comments

Add yours