5 Benepisyo Ng Pag-inom Ng Maligamgam Na Tubig Sa Umaga




Sa panimula ng panibagong umaga, mahilig tayong mga Pilipino na kumain ng pandesal, samahan pa ng kape, gatas, tsaa o tsokolate. Pero nasubukan niyo na bang uminom ng maligamgam na tubig lang? hindi na kailangang haluan ng iba pa tulad ng kape? Feeling ko ay hindi pa, o kung oo man siguro madalang niyo lamang itong ginagawa. Sa ibang bansa tulad ng Japan, pagkagising nila ay umiinom agad sila ng isang basong tubig dahil ito ay pinaniniwalaang may benepisyo sa ating kalusugan.

1. Mabisang Pantunaw
Isang baso lang kada umaga nitong maligamgam na tubig kaya ng tunawin ang mga taba at mantikang naipon at tumigas sa ating katawan na minsang nagdudulot ng pan@nak1t ng ating tyan. Kaya naman kapag umiinom tayo ng malamig na tubig madalas ang p@nanak!t ng ating tyan dahil hindi nito kayang tunawin ang mga naiipong mantika at taba sa ating katawan. Kaya naman uminom ng maligamgam na tubig tuwing umaga para mapabuti ang iyong digestive system.
2. Pagpigil sa maagang pagtanda
Ang paghyhydrate sa ating katawan ay tumutulong sa panloob na kalusugan ng ating katawan kundi pati na ang panlabas. Sa tulong ng paglilinis ng loob ng ating katawan, kaya nitong pabatain ang ating pisikal na kaanyuan dahil nakakatulong ito sa pagbabanat ng ating balat para hindi na ito kumulubot at magmukha tayong matanda sa batang edad pa lamang.
3. Nakababawas ng Timbang
Hindi lamang nito napipigilan ang pagkulubot ng balat kundi kaya rin nitong bawasan ang ating timbang. Sa pamamagitan ng maligamgam na tubig na sinamahan pa ng lemon, nakokontrol nito ang pagkain na ating nakakain, pinapabilis ang ating metabolismo at pinapataas na rin ang temperatura ng ating katawan.

4. Nagpapabuti ng Sirkulasyon ng Dugo
Kayang linisin ng isang basong maligamgam na tubig ang ating nervous system. Nakakatulong sa pagluwag ng ating kalamnan na kayang pabutihin ang daloy ng dugo. Dahil nakakatulong ito sa pagtanggal ng mga naipong deposito o taba sa ating katawan. Hindi lamang iyon dahil kaya rin nitong alisin ang mga t0x!ns.
5. Nakakabuti ng Pagtulog
Hindi lang dapat pagkagising umiinom ng maligamgam na tubig dahil mas maganda kung uminom rin sa oras ng hapunan o kaya naman bago matulog dahil nakakatulong ito sa pagpapatulog sa atin dahil napapakalma nito ang ating katawan.


+ There are no comments

Add yours