Alamin ang Hugis ng Iyong Tenga at Kung ano Ang Iba’t ibang Ibig Sabihin Nito




Ang ating earlobe ang may kakayahang magsalba at pumrotekta sa ating tenga sa mga oras na mainit at malamig ang panahon. Noong unang panahon, may mga malalaking earlobes ang tao at dahil nga bago na ang panahon hindi na ganoon kalaki ang ating mga earlobes at iba iba na rin ang mga hugis at laki nito. Kung tayo naman ay nakikipag-usap o kahit nasa harap tayo ng salamin, hindi gaanong kapansin pansin ang itsura nito lalo na dahil minsan ay natatakpan nalang ito ng ating buhok, maliban na lamang kung kakaiba na talaga ang hugis at laki ng iyong earlobe na nakakaagaw na ng atensyon.
Ayon sa isang scientific fact, ang ating earlobe ay ang nag-iisang parte ng katawan na patuloy na lumalaki hanggang sa tayo ay mamamatay. At ayon naman sa Samudrika Shastrao o pag-aaral ng mga katangian sa ating mukha, na ang bawat parte ng ating katawan may kontekta sa ating buhay, pag-iisip at katangian. Kaya naman sinasabi na nilang ang laki at hugis ng ating earlobes ay konektado sa ating spirit.

1. Square shape
Ang mga taong may square shape earlobes ay maalalahanin at maaasahan. Sa mga oras na kailangan, madali lamang silang lapitan at hindi ka nila bibiguin. At sa kahit ganong ring mga karanasan dapat maasahan ka rin nila. May angkin silang lakas at pagiging mapagpakumbaba sa bawat indibidwal.
2. Diamond shape
Ang mga ganitong indibidwal ay may personalidad na makasarili, nakukuha nila ang gusto nilang mga bagay ng mabilisan at nang hindi man lang kinokonsidera ang iba. Sila ay narcissistic, KJ kung minsan at mahirap intindihin ng kanilang mga kasama ang mkanilang ugali.
3. Round shape
Ang taong ito ay maaruga sa sarli, kayang magbigay ng konsiderasyon at pinapahalagahan. Siya ay may kaaya-ayang personalidad kaya naman gusto kang kasama ng lahat. Gagawin ang lahat ng makakaya kung nay chance at pinalilibutan nila ang kanilang sarili ng mga taong gusto nilang makita.

4. Crescent shape
Binibigyan nila ng halaga ang pag-iisip ng ibang tao pero kapag sarili na nilang opinyon ay hindi na ito pinoprotektahan at binibigyang pansin. Madali lang silang mapagkatiwalaan dahil sila ay totoo, sumasang-ayon, hindi nadadala sa sinasabi ng iba, at handang tulungan ang iba kung kinakailangan.
5. Rectangular shape
Ang ganitong indibidwal ay maraming sinasabi kahit wala namang humihingi ng kanyang opinyon ay pagsasalitaan niya pa rin. Ayaw na ayaw rin niya ang mga walang kwentang bagay. Pero magaling sila mag-organize at gawin ang mga bagay ng walang mali.
6. Triangular shape
Sila ay maaalalahanin. Kaya nilang icomfort ang mga malulungkot kaya naman mahal na mahal sila ng kanilang mga kaibigan. Kaya rin nilang mag-adopt sa kanilang environment at kung may maharap man na issue, kaya nila itong iexplain at harapin ang mga kondisyon.


+ There are no comments

Add yours