Anim na Home Remedies Para Mawala ang Pigsa





Naranasan mo na bang magkapigsa? Kung oo ang iyong sagot, malamang alam mo kung gaano kasak!t ang nararamdaman ng taong nakararanas nito. Hindi ito katulad ng ibang sak!t na kaseryo-seryoso sa ating kalusugan ngunit ang pagkakaroon nito ay lubos na naghahatid ng pagkairita sa isang tao. Kung naghahanap ka ng mga solusyon na maaaring gawin upang magamot ang iyong pigsa, basahin ang kabuuan ng artikulo upang malaman ang sagot sa iyong katanungan. 

Ang Pigsa ay nagsisimula sa ugat ng ating balahibo na kung saan nakakaramdam ng masak!t na bukol na naglalaman ng nana sa loob ng balat. Sa simula makikita ang pamumula ng apektadong balat. 




Kasunod nito ang masak!t na pagumbok ng bukol na puno ng nana sa loob nito. Samantalang habang napupuno ang nana sa ilalim ng ating balat ay tuluyang lumalaki ang pigsa at lubos na nakakaramdam ng kirot at sak!t. Sa ikaapat hanggang ikapitong araw naman, mapapansin na ang namumulang balat ay mapapalitan ng kulay puti dahil sa paglabas ng nana sa kaniyang loob hanggang sa pumutok ito. 


Karaniwang parte na tinutubuan ng pigsa ay sa ating mukha, kilikili, balakang, pwet at braso. Sadyang napakasak!t magkaroon ng pigsa, kaya naman narito ang mga home remidies na maaaring gawin upang malunasan ang iyong pigsa.

Mga Home Remedies na lubos ang maitutulong sa paggamot ng iyong pigsa:




1. Warm compress

Ang pagpahid ng mainit sa pigsang nararanasan ay lubos na nakatutulong. Dahil maghahatid ito ng pagdami ng white blood cells at antibodies sa parteng apektado na kung saan ito ang magiging protekta laban sa impeksiy0n. Kaya naman sa tuloy-tuloy na pagwarm compress sa iyong pigsa ng labing limang minuto hanggang sa lumiit ito ay maghahatid ng kaginhawaan sa iyong iniinda. 


2. Luyang Dilaw

Kilala ang luyang dilaw o turmeric powder bilang isang magandang benepisyong halamang gamot na nakatutulong sa ating kalusugan. Kaya naman hindi na magtataka kung pati ang pigsa ay kaya nitong mapuksa. Dahil sa nilalaman na anti-bacterial at anti-inflammat0ry property ng turmeric ay naghahatid ito ng benepisyo sa paggamot at paggaling ng nakaiiritang pigsa. Magpakulo lamang ng luyang dilaw o kaya naman ihalo ang turmeric powder sa isang baso ng tubig at inumin ito. Maaari rin na humiwa ng kapirasong luya, lagyan ng turmeric powder at haluin hanggang magkaroon ito ng paste. Kasunod nito ilagay sa apektadong parte nang sagayon malunasan ang iyong pigsa. 


3. Sibuyas

Kasama sa nilalaman ng sibuyas ang paglaban nito sa pamamaga. Bukod pa rito, ang essential oil nito ay kayang labanan ang impeksiy0n na nararanasan. Kaya naman ang sibuyas ay isa rin sa panlaban sa pigsa o gamiting gamot. Sa pamamagitan ng paglaga ng sibuyas ay maiibsan ang sak!t na nararamdaman at mapapagaling pa ang pigsang nararanasan. Gamitin ito bilang panghugas sa iyong pigsa. Isa pang paraan ay humiwa ng kapirasong sibuyas at ilagay sa ibabaw ng apektadong balat. Idagdag pa sa kaalaman na ang bawang ay maaari rin gamiting gamot sa pigsa.

4. Patatas

Alam mo ba na ang patatas ay mayaman sa vitamine C at mga iba pang sangkap na lubos ang maihahatid sa kalusugan ng ating katawan. Isa ito sa mga halamang gamot na nakatutulong sa paglunas ng mga ilang uri ng sak!t tulad ng sak!t sa balat gaya ng pigsa. May kakayahan ito puksain ang mga mikrobyo na dulot nito. Humiwa ng patatas at pigain hanggang sa lumabas ang kaniyang katas. Gamit ang katas nito, magagamot ang iyong iindang pigsa. Gawin ito araw-araw hanggang sa gumaling ito. 


5. Asin

Ang asin ay kalimitang ginagamit na sangkap sa mga lutuin. Nagtataglay rin ito ng mga benepisyo sa ating kalusugan. Sa paggamit nito ay matutulungang lumabas at matuyo ang nana sa ating pigsa hanggang sa gumaling ito. Kaya naman gamit ang epsom salt at maligamgam na tubig ay malulunasan na ang iyong pinoproblemang pigsa. Ipahid ito o gamiting panghugas sa inyong pigsa. 


6. Mga langis

Kilala ang langis na nakatutulong sa pagganda ng ating balat. Idagda pa, na natutulungan nitong mapagaling ang mga uri ng sak!t sa balat. Nagtataglay ang mga ito ng antibacterial, anti-inflammatory, at antiseptic properties. Ang mga ito ang tutulong sa paggamot ng ating masak!t na pigsa. Magpahid lamang ng langis sa parte ng ating pigsa ng dalawang beses sa isang araw hanggang sa mawala ito.

+ There are no comments

Add yours