Foreigner Binilihan Ng Bagong Sapatos Ang Isang Batang Nagtitinda Ng Sampaguita Sa Kalsada
Ang paggawa ng mabuti para sa kapwa ay talaga namang nakakataba ng puso. At ang nakakagulat pa, ang isang dayuhan na ito ay nagpakita ng mabuting loob sa isang batang kapos na nagtitinda ng bulaklak sa kalye.
Isang hindi nakilalang lalaking foreigner ang naging viral dahil sa pagpapakita niya ng kabutihan sa isang batang lalaki na nakilala niya sa kalye dahil nagtitinda ito ng sampaguita.
Natunghayan naman ng isang netizen na si Mara Karmela ang buong pangyayari at ito ay ibinahagi niya sa kanyang social media account. Papauwi na sana siya nang mapahinto ito sa isang Nike store dahil nakita niya na may isang foreigner na pinagkakaguluhan at kinukuhanan ng letrato.
Noong una ay akala niya na ang lalaking foreigner ay isang sikat na personalidad. Pero napag-alaman niya na hindi naman ito isang celebrity ngunit pinagkaguluhan siya dahil maraming netizens ang nakakita na binibilhan niya ng isang mamahaling sapatos ang sampaguita vendor,
Nalaman pa ni Karmela na nakilala ng foreiger ang bata sa kalsada at tinatanong kung saan ang direksyon na papunta sa isang mall. Napansin niya na walang suot na sapatos ang bata kaya naman napagdesisyunan nito na ibili siya.
Noong nasa mall sila ay pinasukatan niya ito ng mga sapatos at ang kanilang napili ay nasa halagang Php6,000. Matapos nila itong binayaran ay ibinigay na ng foreigner ang bagong sapatos sa bata. At bilang pasasalamat sa kabutihang ipinakita ng lalaki ay iniabot ng bata ang mga sampaguita na dapat ay kanyang binebenta.
Tinanong ng foreigner sa bata kung bakit hindi pa raw niya sinusuot ang binili nilang sapatos. Ang wika lang ng bata, “Hindi po pwede. Baka kunin ng mga bata.”
Natunghayan ni Karmela, ang nakakantig na pusong pangyayari. Sa oras na ito, tinanong ng foreigner ang isang saleslady kung saan ang department store dahil balak rin niyang ibili ng mga damit ang bata. Ngunit hindi na ito sinundan ni Karmela.
Lumabas ang dalawa na masaya at maging ang mga tao sa kanilang paligid ay naiwang may ngiti sa mga labi. “Faith in humanity restored,” ika nga.
+ There are no comments
Add yours