Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit



Nakakalungkot mang isipin na dahil sa hirap ng buhay ay maging ang mga batang estudyante ay walang magamit na gamit pang-eskwela. 
Ngunit imbes na umabsent at hindi na lamang papasok sa eskwela, mayroon pa ring mga batang pursigidong matuto kahit na gaano man kalayo ang kanilang paaralan, wala mang pambili ng uniporme, o pambili man lang ng mga school supplies tulad ng lapis at papel.
Isang nakakaantig na larawan ang ibinahagi ng isang guro tungkol sa isang grade 2 student ng Union Elementary School sa Sta. Rita, Samar. Nakita ng guro na habang binibigyan niya ng seatwork ang kanyang klase ay mayroong kakaiba sa isa sa kanyang mga estudyante.
Hindi man niya agad ito napansin, ngunit nakita niya na ang kanyang estudyante na si Jan Kim ay gumagamit ng ballpen imbes na lapis sa pagsusulat. 
Habang determinadong sumagot ng seatwork si Jan Kim, ay napansin niya na tinatakpan ng bata ang kanyang ballpen gamit ang kabilang kamay. Nang lapitan ito ng guro, nakita niya na ang ballpen ay improvised lamang.

Ang ballpen ink chamber ay nakatali sa isang maliit na piraso ng kahoy gamit ang rubber band. Nang tinatanong ng guro kung bakit ballpen ang ginagamit ng bata, sinabi niya na siya raw ang may gawa noon. Nakita niya sa kanilang bahay ang lumang ballpen na sira ang lalagyanan kaya naisipan na lang niya itong itali sa kahoy.
At dahil may natitirang tinta pa naman ito kaya naisipan na lamang niyang i-improvise ito.
Sa katunayan, para sa kanyang grade level ay hindi pa dapat sila gumagamit ng ballpen. Ngunit nang tinatanong ng bata ang guro kung pwedeng iyon muna ang kanyang gamitin dahil wala siyang lapis ay sumang-ayon na lamang siya.
Nang malaman ng guro ang ginagamit ng bata ay halos maiyak ito sa pagka-awa kaya naman naibahagi niya rin ito sa kanyang mga iba pang kasamang guro.
Nang i-share niya ang post na ito sa kanyang social media account ay marami ring netizens ang naantig ang puso at nais tumulong sa bata. 
Ayon sa guro, ang kanyang estudyante na si Jan Kim ay isang tahimik lamang na bata ngunit ito ay masipag, mabait at laging pumapasok sa klase. Nalaman rin niya na pangarap nitong maging isang guro rin balang araw.


+ There are no comments

Add yours