Ginseng: Epektibong Pampaganda ng Balat, Buhok at Kalusugan


Kapag naririnig natin ang katagang “ginseng” ang unang pumapasok sa ating utak ay herbal medicine o halamang gamot. Ito ay tumutubo sa lugar na tulad ng Siberya, Northern China at Korea. Ilang libong taon na ang nakalipas ng gamitin ng tsina ang ganitong klaseng gamot bilang lunas sa kanilang karamdaman. Sa katunayan ay nakagawa pa nga sila ng Ginseng tea na isa ring health drink ngayon na pinalolooban ng root extracts at pulbos na itsura mula sa capsule. Ang sustansyang taglay ng Ginseng ay maaring mapunta sa ating dugo na nakakatulong labanan ang ibang sakit o iwasan ito.
May tatlong iba’t ibang uri ang ginseng, Ang mga ito ay American ginseng, Asiatic Ginseng at Siberian Ginseng. Ang iba’t ibang uri nito ay may kanya-kanya ring benepisyo tulad na lamang ng kayang alisin ng American Ginseng na alleviating stress, habang ang Asiaric ginseng ay nakakatulong upang makagawa ng ginseng tea at may binibigay itong mainit na pakiramdam sa katawan. Ang pinakahuli ay ang Siberian Ginseng na kaparehong uri ng ibang ginseng at hindi maituturing na isang tunay na ginseng.

Damo man kung ituring ng iba, pero ang mahalaga marami itong pakinabang sa ating kalusugan at pati na rin sa panlabas na kaanyuan.
1. Pinapatibay ang Buhok
Ang ating buhok ay madalas na naglalagas dahil mahina ang ating immune system. Sa pamamagitan ng ginseng, lumalakas ang ating immune system at nalalabanan ang mga s@k!t o pagkukulang ng ating katawan nang sa gayon ay mapatibay na rin ang kapit ng ating buhok. 
2. Gamot sa Balat
Ang mga problema sa ating balat na tulad na lamang ng acne, eksema at magaspang na balat ay nahahadlangan o naiiwasan kung regular ang paggamit sa ginseng. Makakatangap ang ating katawan ng nutrisyon na mula sa ginseng at mabilis naman itong maipapasa sa vascular circulation ng ating balat. 

3. Pinalalakas ang Immune at Nervous System
Kapag isinabay ito sa anumang gamot o anti-biotics na iniinom ng may talamak brongkitis maaari itong maging kapaki-pakinabang dahil sa adaptogenic properties na maaaring palitan ang mga nasiralng cell sa katawan ng mga bago at bata pang cell. 
4. Anti-Aging
Ang ginseng ay may angking phytomutrients na responsible na pasiglahin at buhayin ang metabolismo ng balat. Maaari rin nitong taasan ang produksyon ng collagen sa ating dermis para gawin itong makapit at hindi na maging kulubot. Nagkakaroon tayo ng banat ay toned na balat kaya naman lumiliit ang wrinkles sa mukha at magmumukhang mas bata ka pa sa iyong edad.

+ There are no comments

Add yours