Isang Janitor Nakapagtapos Ng Libre Sa Isang Prestihiyosong Eskwela Sa Kolehiyo Dahil Sa Sipag At Sakripisyo



Ang edukasyon ay walang pinipiling edad. Kaya kahit na ikaw ay nalipasan na ng edad ngunit gusto mo pa ring mag-aral, ay walang rason upang hindi mo ito gawin. Tulad na lamang ng istorya ng isang masipag na janitor na ito, na nabigyan ng oportunidad para bumalik sa kolehiyo at ito naman ay kanyang pinagbutihan kahit na siya ay nagtatrabaho bilang isang janitor.
Ang 38 taong gulang na lalaking ito na isang asawa at ama sa dalawang anak ay patunay na posibleng makapagtapos sa pag-aaral kahit na nalipasan na siya ng edad. Ngunit ang naging sitwasyon ni Emmanuel Ricalde ay hindi naging madali. Pero dahil sa kasipagan at dedikasyon nito ay nakamit niya rin ang kanyang pangarap at maipagmamalaki pa siya ng kanyang mga anak.
Ilang taon noon ang makalipas nang tinanong si Emmanuel ng kanyang 6 taong gulang na anak kung ano ba ang trabaho nito. Walang pag-aalinlangan na sinagot naman niya ito na isa siyang janitor.
Ngunit matapos bigkasin ito ni Emmanuel ay tila nangingilid ang luha ng bata. At ito ay ikinalungkot ng ama. Dahil ang pagkakaalam ng kanilang anak ay nagtatrabaho ang kanilang ama sa isang opisina tulad ng mga magulang ng kanilang mga kalarong ibang bata.

Alam ni Emmanuel na hindi pa maiintindihan ng kanyang mga anak na ang pagiging janitor niya ang kanila lamang ikinabubuhay. Sa puntong ito ay naawa siya sa kanyang sarili dahil naramdaman niya na parang hindi siya maipagmamalaki ng kanyang mga anak. 
Si Emmanuel ay nakapagtapos lamang ng high school sa Dagupan City. Hindi siya nakatuntong sa kolehiyo dahil naging prayoridad niya na buhayin ang kanyang pamilya. 
Taong 2014 nang ma-assign siya sa isang prestihiyosong eskwelahan sa Maynila, sa De LaSalle College of Saint Benilde. Nadiskubre niya na ang institusyon ay nagbibigay ng scholarship sa mga working students, kaya walang pag-aalinlangan ay nag-apply siya rito. 
Sakripisyo talaga ang kanyang ginawa dahil bilang isang full time janitor sa umaga ay papasok siya sa kanyang klase sa gabi na 6-9pm bilang isang estudyante. Hating gabi na siyang nakakauwi sa bahay dahil sa layo ng kanyang binabyahe. At pagdating ng 3am ng madaling araw ay babangon na ito upang magluto para sa kanyang babaunin.
Tuwing break time niya sa trabaho ay babasahin niya ang kaniyang mga notes. Ilang taon siyang nagsakripisyo ng ganito ngunit nanatili siyang matatag at masipag.
Matapos ang ilang taon ay nakapaggraduate ito sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Management. 

+ There are no comments

Add yours