Ito ang Iyong Karaniwang Ginagawan Kaya Napuputol at Nagiging Marupok ang Iyong Kuko!
Napaka-karaniwan na sa mga kababaihan ang magpahaba ng kanilang kuko. Dahil di-umano para sa ikakaganda ng itsura ng kanilang mga kamay. At may ilang mga kalalakihan rin na gusto ang gawaing ito. Gayunpaman, may mga tao na hirap sa pagpapahaba ng kanilang kuko dahil sa madali lamang itong maputol o mabalat. Ngunit alam mo ba na ang madalas na pagkaputol ng iyong kuko ay maaaring senyales na may hindi wasto sa iyong kalusugan.
Kaya naman alamin natin kung ano ang nagiging sanhi ng pagrupok ng ating mga kuko at ano nga ba ang solusyon na maaaring gawin upang mapabuti ang kalagayan ng ating mga kuko.
Sa ating pagtanda hindi lamang ang ating balat at buhok ang nagbabago kung hindi pati na rin ang ating mga kuko. Habang lumilipas ang panahon at dumadagdag ang ating edad ay mas rumurupok at nagbabago ang tekstura ng mga kuko. Kaya naman madaling maputol at mapilas ang mga ito.
Narito ang mga karaniwan nating ginagawa na madalas maging sanhi ng pagrupok ng ating mga kuko:
1. Madalas na paggamit ng mga panlinis na produkto
Ang mga produktong panglinis ay maaaring simsimin ang moisture at malulusog na langis sa iyong kuko. Na kung saan ito ang pangunahing sanhi ng pagkapilas at pagkasira ng kuko kung madalas mo itong ginagamit sa iyong pagtratrabaho. Magpahid lamang ng langis sa ating mga kuko at kamay nang sa gayon matulungang mapanatili ang hydration at kagandahan ng ating kuko kasama na rin ang ating kamay.
2. Regular na pagpapalinis ng mga kuko
Napakagandang tignan ang ating mga kuko sa tuwing may nakapahid na mga makukulay na gel at acrylic manicures. Ngunit ang katotohanan ay hindi ito nakakaganda sa kalusugan ng ating kuko. Hindi man mismo ang mga makikintab at makukulay na pamahid ang nakapagpaparupok, ngunit ang paggamit ng cuticle remover o polish remover mula sa ating mga kuko ay siyang nagdudulot ng pagkasira. Kaya naman upang mapanatiling malusog ang ating mga kuko ay mainam na ikaw na lamang mismo ang maglinis ng mga ito na walang ano mang ginagamit na kemikal at matutulis na kagamitan.
3. Sobrang paggamit ng hand sanitizer
Karamihan sa mga healthworkers at iba pang mga taong gumagamit ng hand sanitizer ay napapansin nilang nagiging malambot, marupok at madaling mapilas ang kanilang mga kuko. Ang alcohol na nilalaman ng sanitizer ay maaaring sumimsim ng moisture na galing sa ating mga kuko at siyang nagiging dahilan ng madaliang pagkaputol nito. Ang mga gel-based hand sanitizer ay nagdudulot ng pagkatuyot ng balat. Ngunit kung may nilalaman itong moisturizing agent ay makatutulong ito na maprotektahan laban sa pagrupok ng mga kuko.
4. Pagkahilig sa pagguhit
Ang mga pintor ang karaniwang tinatamaan ng pagkasira ng mga kuko. Hindi lamang dahil sa madalas silang gumamit ng mga pintura at clay. Bagamat dahil sa kinakailangan nilang gumamit ng iba pang mga kemikal upang matanggal ang mga pinturang kumapit sa kanilang mga kamay at kuko.
5. Pag-inom ng antibi0tics
Ang ibang mga medikasyon ay nagdudulot ng epekto sa ating mga kuko na siyang pagrupok ng mga ito. Tulad na lamang ng mga antibiotics na ginagamit sa mga taong may pnuemonia at acne.
+ There are no comments
Add yours