Ito ang mga Natural Remedy Upang Maging Regular ang Buwanang Dalaw ng mga Babae





Menstruati0n, ito ang panimulang tatak ng mga kababaihan na sila ay ganap na dalaga na. Ito rin ay nagpapahayag na maaari ng mabuntis ang isang babae. Ang regular na pagrer3gla ay naghahatid ng magandang benepisyo sa ating kalusugan. Ngunit may mga kababaihan na hindi normal o regular ang pagkakaroon ng buwanang dalaw. Kaya naman ang artikulong ito ay makatutulong sa mga kababaihang irregular ang dalaw. Ang irregular na dalaw ay isang karaniwang problema ng mga kababaihan. Ito ay tumutukoy sa hindi pagdating ng period sa pagitan ng 35-45 days. 


Kung ikaw ay isa sa mga naghahanap ng solusyon upang maging normal ang iyong dalaw ay basahin lamang ang mga sumusunod na halamang gamot na lubos na makakatulong sa iyo. Bukod pa rito, maraming mga benepisyong hatid pa ito sa ating kalusugan.

Narito ang mga halamang gamot at pagkain na makatutulong sa iyo upang maging regular ang iyong buwanang dalaw: 

1.Ginger or Turmeric




Isa sa kasagutan sa inyong katanungan ang luya. Ang paginom sa nilagang luya ay lubos na makatutulong sa iyo upang mapalakas o maging normal ang pagdating ng iyong dalaw. Bukod pa rito, kilala itong pamamaraan na pampaganda ng boses. Isama pa ang kakayahan nitong matanggal ang sak!t na nararamdaman na dysmenorrhea. Napakaganda rin ang hatid nito sa ating kalusugan na may kakayahang mapagaling ang ilang uri ng mga sak!t. 


2. Aloe Vera



Kilala ang alove vera na sangkap para sa pagganda ng ating buhok. Ngunit hindi lamang iyon ang maitutulong nito, dahil isa ito sa gamot para sa ating regular na period. Kaya naman sa uminom ng aloe vera juice upang makatulong ito sa inyong menstruati0n. 


3. Green Papaya

Ang hilaw na papaya ay mayaman sa carotene na kung saan magproduce sa ating katawan ng estrogen hormone na nakatutulong sa pagpapalakas ng r3gla ng babae o maging normal ang pagdating ng buwanang dalaw. Sa pag-inom at pagkain ng hilaw na papaya makukuha ang benepisyong hinahanap.

4 .Cinnamon

Kabilang ang cinnamon sa mga makatutulong sa iyo upang maging normal ang iyong dalaw. Dahil sa kaniyang nilalaman, nakapaghahatid ito ng medisinal na epektong maibsan ang sak!t na nararamdaman sa puson tuwing may dalaw o bago ang pagdating nito. Bukod pa rito, may kakayahan itong magpanatili ng tamang dami ng insulin nang sa gayon regular ang pagdating ng r3gla sa mga kababaihan.

5. Sesame seeds


Ang linga o buto ng sesame ay may kakayahang mapanatili ang tamang dami ng hormones sa ating katawan. Ito ay maghahatid sa mga kababaihan na maging regular ang pagdating ng kanilang dalaw. Kaya naman kumain ng inihaw na buto ng sesame o powder nito sa araw-araw upang maging maayos na ang iyong pinoproblemang dalaw.

+ There are no comments

Add yours