Jeepney Driver Nagbigay Ng Libreng Sakay Sa Mga Senior Citizens, PWD, Buntis, Etc.
Mayroong mga tao na gumagawa ng kabutihan na walang inaasahang kapalit. At dahil dito nangingibabaw ang kanilang busilak na puso at hinahangaan na karamihan.
Isang jeepney driver ay naging kapansin-pansin sa social media matapos ma-ishare ng isang netizen ang kanyang pagpapakita ng magandang loob.
Nagsimula ito nang ang isang Facebook user na si Carmina Maricar Corona ay ibinahagi ang nakapaskil na board sa loob ng isang jeep. Makikita na ang jeepney driver ay nagbibigay ng libreng sakay sa Sto. Tomas, Batangas sa lahat ng mga senior citizens, persons with disability (PWDs), mga buntis, honor students, at maging ang mga estudyanteng anak ng mga overseas Filipino workers (OFWs)
Ayon sa caption,
“Kung sino man po makakasakay sa jeep na to’, hahanga din po kayo sa driver nito. He is offering FREE FARE, as in LIBRE, para sa mga Senior citizens, PWD, pregnant, and honor students. Godbless po Kuya and have a safe biyahe everyday!”
Ang hinihiling lamang ni Carmina na sana ay walang magtangkang manloko sa mabait na driver na ang kagustuhan lamang niya ay gumawa ng mabuti at makatulong sa kapwa.
Ilang araw lamang ay nagviral ang post ni Carmina hanggang nakilala nila ang driver na si Como Iquin Jose.
Ayon sa istorya ng driver, akala raw ng ibang pasahero kaya siya nagbibigay ng libre sakay ay dahil siya ay mapera.
Ngunit ipinaliwanag niya na siya rin ay may problema sa pinansiyal. Nagbibigay siya ng libreng sakay sa mga pasahero ay dahil nais niyang tulungan ang mga taong nararanasan din ang hirap tulad niya.
Naibahagi niya sa kanyang post na ang asawa niya ang isa ring OFW, at hanggang ngayon ay di nakakaraos sa buhay. Sa 15 taon nilang magkasama bilang mag-asawa ay bilang niya na nasa isang taon at kalahati lamang sila nagkasama. Talagang sakripisyo ang kanilang ginagawa.
Ayon sa driver, ginagawa niya iyon dahil gusto niyang maging matulungin sa kapwa at ipagpapatuloy niya ito. Pangarap niyang matupad sa buhay ang makapagbigay ng inspirasyon sa iba.
Ang pagbibigay ay dapat ay galing sa puso at hindi ito mahirap gawin kung bukal sa kalooban mo.
+ There are no comments
Add yours