Mabisa ang Siyam na Pagkain na Ito Para Malinisan ang Kidney at Hindi Magkaroon ng Bato!





Kabilang ang kidney sa mga napaka-importanteng organo sa ating katawan. Responsable ito sa paglinis, pagtanggal at paglabas ng mga dumi sa loob ng pangangatawan. Kung isa ka sa mga taong dumaranas ng high blood, diabetes, at pagbara ng mga ugat ay hindi nalalayong magkaroon ng sak!t sa bato. Dahil ang mga uri ng sak!t na ito ay nagdudulot ng paghadlang sa trabaho na kailangang gawin ng kidney. Napakahirap magkaroon ng depekto ang ating kidney. Maaaring magdulot ito ng panganib sa ating buhay. 

Kaya naman para mapangalagaan ang ating kidney, magbibigay ng karagdagang kaalaman ang artikulong ito. Kung ano ang mga pagkain na mainam para sa kaayusan ng ating kidney at sa ating kalusugan.



Narito ang siyam na pagkaing makatutulong sa paglilinis ng iyong bato. Basahin ang mga sumusunod na benepisyong hatid at kung paano makukuha ang mga nilalaman na taglay nito: 

1. Mga berdeng dahon 

Una ito sa listahan dahil alam naman natin na ang mga halamang dahon ay lubos na kapaki-pakinabang. Bukod sa mga kakayahan ng mga ito na mapagaling ang ilang uri ng sak!t ay nakatutulong rin ito sa pagganda ng ating kalusugan nang sa gayon mailayo tayo sa mga sak!t na maaaring maranasan. Naglalaman ng bitamina, protina at minerals ang mga berdeng dahon na siyang kinakailangan ng ating katawan. Sa pagkain nito mapapababa ang pressure sa inyong dugo, mababalanse ang asukal at mapapanatiling maayos ang kalagayan ng ating bato. Upang makuha ang mga benepisyong nilalaman ay isama ito sa pangaraw-araw na diyeta. Maaaring kainin o gawing inumin.

2. Cranberry Juice




Pangalawa, Ang cranberry juice ay may kakayahang magamot ang UTI o tinatawag na Urinary Tract Infecti0n. Ngunit alam mo ba na isa ring mabisang pamamaraan ito upang matulungang malinisan ang iyong bato. Sa pag-inom ng masarap na cranberry juice na ito ay maiiwasan at mapipigilan ang pagbuo ng mga matitigas na bato sa inyong bato. Maraming mga cranberry juices na mabibili sa merkado. Gayunpaman, mas mainam na piliin ang organic at gawa sa purong cranberry juice upang mas mabisa ang taglay nitong benepisyo.

3. Turmeric

Pangatlo, Ang pamamaga ay maaaring magdulot ng iba’t ibang panganib sa ating kalusugan. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng sak!t sa bato. Ngunit kung ang turmeric ay isasama sa iyong diyeta ay makatutulong. Sa nilalaman na anti- inflammatory nito ay matutulungang labanan ang sak!t sa bato at ang maiwasan ang panganib na pagbuo ng mga bato sa kidney. Lubos na kapaki-pakinabang ito kaya naman maaaring idagdag sa inyong kanin, sa mga lutuing pagkain, at gawing inumin. 


4. Mansanas

Pang-apat, Karaniwan nating nakikita sa pamilihan ang mansanas. Isa rin ito sa mga paboritong prutas na madalas bilhin. Ngunit alam mo ba na ang prutas na ito ay napakaganda para sa ating kalusugan. Ang pagkain nito sa araw-araw ay napakainam para sa mga atong may diabetes, mataas na presyon at magandang kalusugan ng isip. Bukod pa rito, ang nilalaman na hibla, minerals at bitamina nito ay lubos na nakapagpapanatili ng magandang kalusugan. Gayunpaman, may kakayahan rin itong malinisan ang bato na kung saan maiiwasan ang ano mang depektong maaaring maranasan nito. 


5. Bawang


Panglima, Napaka-importante ng bato sa parte ng ating katawan. Upang maiwasan ang ano mang panganib na maaaring mangyari rito ay isama sa inyong listahan ang bawang. Sa nilalaman na allicin nito ay lubos na napakaganda para sa kalusugan ng ating bato at ng ating puso.

6. Dandelion Leaves

Pang-anim, Ang nilalaman na flavonoids at antioxidant nito ay naghahatid ng magandang benepisyo sa ating kidney. Sa pag-inom ng tsaang dahon ng dandelion ay malilinisan ang ating bato at dugo sa ating katawan. Kaya naman napakaiman nito sa ating bato upang mapanatili ang magandang kalusugan nito at ang maayos na trabaho. Idagdag pa na mapapababa ang iyong mataas na presyon. Maaari rin isama sa iyong salad ang dahon nito. 


7. Olive Oil 

Pangpito, Maraming nilalaman ang olive oil na napaganda ang benepisyong hatid sa kalusugan. Tulad na lamang ng kakayahan nitong mapababa ang kolesterol sa ating katawan, mapaginhawa ang sak!t na nararamdaman dulot ng pagkakaroon ng depekto sa bato at mabawasan ang pamamaga. Ang extra virgin olive oil ay mabibili lamang sa mga merkado kaya naman subukan na itong gamitin nang sa gayon makuha ang nilalaman nito. 


8. Lemon Juice

Pangwalo, Ang pag-inom ng lemon juice ay hindi lamang nakatutulong sa paglilinis ng ating bato kung hindi nakaiiwas pa ito sa pagbuo ng mga bato sa ating kidney. Kaya naman gumawa lamang ng inuming lemon. Humiwa ng isang pirasong lemon. Pigain ito hanggang sa makuha ang katas. Ilagay sa isang basong tubig malamig o mainit kung ano ang iyong gustuhin. Inumin ito araw-araw nang sagayon makuha ang mgandang hatid nito. 


9. Luya


Pangsiyam, Ang luya ay may kakayahang matulungang magamot ang nausea, pananak!t ng katawan, kawalan ng gana sa pagkain at pamamaga. Kaya naman ang luya ay nakapaganda sa ating kalusugan upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa bato. Maaari itong ihalo sa paggawa ng tinapay. Luto, hilaw, juice o ano mang klase ng pagkuha sa benepisyong nilalaman ng luya ay nakapaepektibo pa rin nito sa atin.

+ There are no comments

Add yours