Nagiwan Ng Isang Nakakalungkot Na Mensahe Na Nakasulat Sa Tissue Ang Isang Customer Ng Jollibee



Ang fastfood chain na Jollibee ay sikat sa Pilipinas maging sa ibang bansa dahil sa hatid nitong “langhap-sarap” na pagkain. Kung tutuosin, hindi lamang mga bata ang may paborito kay Jollibee kundi maging ang mga matatanda.
Ang fastfood na ito ay naging paboritong tambayan na rin ng mga pamilya at magkakaibigan lalo na tuwing weekends. Bukod sa maraming iba’t ibang klase ng pagkaing maoorder dito ay swak pa ito sa bulsa.
Subalit ang famous tagline nito na “Bida ang saya” ay tila naging isang malungkot na paalam sa isang customer.
Nagsimula na parang isa lamang ordinaryong araw sa isang branch ng popular na fastfood chain sa Taguig City. Ngunit isang babaeng customer ang nagpaantig ng puso hindi lamang sa mga service crew maging sa mga netizens na nakabasa ng kanyang nakakalungkot na mensahe. 
Ibinahagi ng Jollibee crew na si Mark Noguera sa kanyang social media account ang insidenteng kanyang natuklasan. Nakakita kasi sila ng isang note na nakasulat sa isang tissue paper ng Jollibee ang iniwan ng isang customer na kanilang sinerve mga bandang 3pm sa Jollibee Signal Village Branch sa Taguig. 

Ayon kay Mark, isang babaeng mga nasa edad na 20 taong gulang ang umupo sa isang bakanteng table. Matapos kumain ng babae ay pumunta na ang isang crew upang linisin ang table ngunit natagpuan ang mensahe na iniwan para kay Jollibee.
Narito ang mensahe:
Ayon sa sulat, ito na raw ang huling araw ng pagkain ng babae sa Jollibee dahil pinagbawalan siya ng kanyang doktor dahil sa kanyang karamdaman. Masarap man ang mga pagkain sa fastfood na ito ay nabibilang pa rin ang mga ito sa kategorya ng unhealthy foods. 
Inamin ni Mark at ng kanyang iba pang kasamahan na naging malungkot sila sa mensaheng iniwan ng hindi nakilalang babae.
“Binasa namin ung kabuuan ng letter, after namin mabasa hindi ko alam pero parang bigla akong maiiyak sa nabasa ko.”

Umaasa si Mark na dahil sa ipinost niyang letrato ng sulat sa social media ay mabasa ito ng misteryosong babae.
“To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ palang yung age at kumain kanina sa Jollibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain niyo, lahat po ng sak!t gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi Siya yung Great Healer of All. Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it po. On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanna give you warm hugs if possible.”

+ There are no comments

Add yours