Naka-ipon Ng Higit Php80k Ang Lalaking Ito Sa Loob Ng 11 Months Dahil Hindi Niya Ginagastos Ang Kanyang Mga Php100 Bills



Patunay na hindi totoo ang kasabihan na ang mga mayayaman lang ang may kakayahang makapag-ipon ng pera. Kung ikaw ay nahihirapang mag-ipon ng pera, mainspire sa istorya ng isang lalaking ito na nakapag-ipon ng higit P80,000 pesos sa loob lamang ng 11 buwan.
Naging viral sa social media ang ibinahaging istorya tungkol sa 100 Pesos Challenge ng isang Facebook user na si Jesse Palerit. 
Si Sir Jesse ay nagtatrabaho bilang isang full-time head security ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City. Ibinahagi ng 37 year old na lalaki na hindi mo kailangang maging mayaman para makapag-ipon.
Ayon sa kanya, sa tuwing makakatanggap siya ng Php100 ay hindi niya ito ginagastos. Ganoon din sa mga barya niya na limang piso at sampung piso. Sa halip, ito ay kanyang ihinuhulog sa kanyang alkansya upang maipon. 
Nais ni Jesse na makaipon ng pera sa loob ng isang taon, ngunit sa pang labing isang buwan pa lamang niya ang napuno na ang kanyang mumunting alkansya. Kaya naman hindi na niya hinintay na umabot pa ito sa pang 12th month bago niya ito buksan.

Sa kanyang 100 Peso money challenge ay nakalikom si Jesse ng Php84,515. Inamin naman niya na hindi naging madali para sa kanya na makaipon ng ganitong kalaking halaga at ito ay isang napaka-challenge.
Bukod sa kanyang trabaho ay nakatulong rin ang kanyang pagsa-sideline sa loading at online ticketing business upang malikom ang ganitong halaga sa loob lamang ng 11 buwan.
Ayon sa kanya, wala namang pinipiling edad ang pag-iipon. Ang importante ay magtipid at magipon habang bata pa. Mahalaga rin ang disiplina sa sarili kung paano gastusin ang pera.
“Hindi lang bibili tayo ng isang bagay dahil gusto natin ang tanong, kailangan ba talagang bilhin?”

Magkaiba ang depinisyon ng ‘wants’ sa ‘needs.’ Dapat ay hindi dapat basta basta matukso sa mga bagay na hindi naman natin kailangan.
Plano ni Jesse na iinvest ang naipong pera para sa kanyang online ticketing at loading business at gagamitin ang ibang pera para sa kanyang planong money-lending project.

+ There are no comments

Add yours