Natural Tips na Makakatulong sa mga may Low Blood Pressure!
Importante ang regular na pagkuha blood pressure upang malaman natin kung may nagbago ba sa ating presyon. Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ay madalas nagkakaroon ng komplikasy0n sa ating kalusugan. Subalit alam niyo ba na kahit ano man ang maging resulta sa presyon kung ito ay mababa o mataas ay maaari din palang magdulot ng problema sa ating kalusugan?
Ang pagkaranas ng Low blood pressure ay isa ring nakaka-alarmang kondisyon. Kaya naman sa artikulong ito, ipapaliwanag kung ano ang mga sanhi ng pagkakaroon ng mababang pressure sa dugo at kung ano ang nararapat na gawin upang magam0t ito.
Ang low blood pressure ay hindi isang seryosong problema ngunit ang biglaang pagbaba ng pressure ng dugo ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa ating kalusugan. Bukod pa rito, ang pagkakaroon nito ay dahil sa mahina ang pagdaloy ng ating dugo. Nararanasan ito sa kadahilanang sobra sa puyat ang isang tao, pagod, kulang sa dugo at bitamina.
Sa mga taong dumaranas nito ay madalas na makaramdam ng mga sintomas na pagkahilo, panlalabo ng paningin, nanlalambot na katawan at maaari pang mawalan ng malay. Ang mga buntis, may sak!t sa puso, at diabetes ay maaaring makaranas rin ng pagbaba ng blood pressure. Kaya naman upang maiwasan ang pagbagsak nito ay maaaring gawin ang mga sumusunod na mababanggit.
Narito ang mga ilang tips upang mapataas hanggang sa normal nito ang iyong blood pressure:
1. Uminom ng tubig
Ang pagkakaroon ng dehydrated na katawan ay maaaring maging sanhi ng mababang blood pressure. Dahil rito nawawalan ng kakayahang maging maayos ang daloy ng ating dugo sa katawan. Kaya naman para maiwasan ang pangyayaring ito ay uminom ng maraming tubig upang bumuti ang pakiramdam at iba pang benepisyo nito sa ating kalusugan.
2. Kumain ng malaat na pagkain
Kabaligtaran nito ang mga taong may mataas na presyon. Kung sa kanila ay pinagiiwas sa mga pagkaing maaalat, ang mga dumaranas ng mababang pressure sa dugo ay pinakakain ng mga maalat na pagkain upang lumakas at maging normal ang pressure ng dugo sa ating katawan.
3. Huwag uminom ng alak
Sabi nga nila, ang sobra ay nakakasama. Kaya naman ang sobrang pag-iinom ng mga alc0hol na inumin ay hindi nakakaganda sa ating kalusugan. Nakapagdudulot ito ng pagbagsak ng pressure sa ating dugo. Bukod pa rito, maaaring pagmulan ito ng pagkasira ng ating atay at iba pang maidudulot na komplikasyon. Kaya umiwas muna sa alc0h0l upang maging regular ang blood pressure.
4. Pagkain ng gulay at prutas na mataas sa potassium
Bitamina, isa ito sa pangunahing kailangan ng ating katawan para mapanatiling malusog at malakas. Sa pagkain ng mga pagkain na mayaman sa bitamina tulad ng gulay at prutas ay lubos na nakatutulong sa paggamot ng mababang presyon. Idagdag rito ang pag-inom ng gatas nang sa gayon mapalakas ang mga buto sa ating katawan at pati na rin ang resistensiya.
5. Kailangang ng 10-15 minuto na exercise kada araw
Ang araw-araw na pageehersisyo ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa ating katawan. Natutulungan pa nitong maiwasan ang mga ilang karamdamdaman. Kaya naman pag-ugaliing magbigay ng ilang minutong panahon upang makapagehersisyo nang sa gayon maging malakas, matibay, at malusog ang iyong pangangatawan at kalusugan.
+ There are no comments
Add yours