Paano Maiiwasan Ang Sobrang Pagpapawis?


Maraming ang nakakaranas ng problema dahil sa matindi o sobrang pagpapawis. Ang pawis ay nakakapagdulot ng pagdami ng bakterya sa katawan na siyang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng mabahong amoy o body odor. 
Bukod dito ay nakakaapekto rin ito sa confidence ng isang tao. Kung palagi kang nag-aalala dahil sa iyong sobrang pagpapawis, alamin ang mga solusyon para dito!
1. Maligo ng cold shower kaysa sa hot shower

Ang malamig na tubig sa cold shower ay nakakatulong upang isara ang ating mga pores sa katawan. Ang pagligo ng mainit na tubig o hot shower ay nakakapagbukas ng pores na siyang dahilan kung bakit ikaw ay pawisin. Mapapansin din na kapag naligo sa hot shower ay pagkatapos ay agad ka ng pinagpapawisan, ito ay dahil sa biglaang pagbago ng temperatura sa paligid. 
2. Uminom ng maraming tubig

Nakakatulong ang paginom ng maraming tubig upang bumaba ang temperatura ng katawan at mailabas ang mga toxins dito. 
3. Alisin ang buhok sa kili kili

Nakakatulong na mag-evaporate ng mabilis ang pawis kung ang buhok sa kili-kili ay naka-shaved o naka-wax. Ang mga buhok kasi sa kili-kili ay nagbibigay ng magandang atmosphere para sa mga bakterta upang dumami na siyang nagdudulot ng pagbaho ng kili-kili.

4. Magsuot ng cotton o manipis na damit

Ang cotton na tela ay mas magandang isuot dahil ito ay mas presko sa katawan at breathable. Kaya sa mga mainit na panahon, magsuot ng maninipis o cotton na damit.
5. Iwasang maging overweight

Ang pagiging overweight o pagkakaroon ng sobrang taba sa katawan ay nakakapagdulot ng kondisyon na sobrang pagpapawis. Kaya ang solusyon dito ay magehersisyo, bawasan ang sobrang taba, at magpapayat.
6. Magsuot ng sweat pads

Nakakahiya ang makita ng ibang tao na pinagpapawisan ang iyong kili-kili. Kung talagang sadyang pawisin ang kili-kili, ang madali at mabilis na solusyon rito ay ang pagsusuot ng sweat pads. Ito ay nakakatulong iabsorb ang sobrang pawis upang hindi bumakat sa damit. 
7. Acupuncture

Ang acupunture ay nakakatulong upang ma-istimulate ang mga parte ng katawan upang balansehin ang energy at irelax ang utak sa pamamagitan ng pagkontrol sa hypothalamus. Nakakatulong ito na mabawasan ang sobrang pagpapawis ng iyong sweat glands. Ngunit ito ay ginagawa lamang ng isang propesyonal. 

+ There are no comments

Add yours