Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang “Ipon Challenge” Na Ginawa Lamang In 6 Months



Kung sa totoo lang, mahirap mag-ipon lalo na sa mahal ng mga bilihin at dami ng bayarin. Ngunit ang pag-iipon ay kailangan dahil para na rin ito sa iyong kinabukasan. Mas maganda na mayroon kang madudukot sa panahon na kailangan mo ang pera kaysa sa manghiram o mangutang.
Magagawa ang pagiipon sa pamamagitan ng pagba-budget ng iyong pera at mga gastusin. Katulad na lamang ng isang Illonga na OFW na nagtatrabaho sa Hong Kong na nagsagawa ng “ipon challenge” sa loob lamang ng 6 na buwan.
Matapos mag-attend ng isang seminar tungkol sa Financial Literacy, ang 39 taong gulang na babaeng si Jalyn Navio ay nagkaroon ng inspirasyon upang mag-ipon ng pera. Siya ay isang nursing graduate na lumipad papuntang Hong Kong noong 2002 upang magtrabaho. Ikinasal siya noon sa isang seaman ngunit hindi nagtagal ay naghiwalay rin sila nito. 

Ayon sa isang post ng Facebook user na si Jennifer Palomo Debaja, ibinahagi niya na si Jalyn ay naka-ipon ng HK$21,760 o higit kumulang sa P145,000 piso sa loob lamang ng anim na buwan. Gamit ang isang malaking plastic water bottle, doon niya hinuhulog ang kanyang mga inipon na pera. 
Kada buwan ay nakakatanggap si Jalyn ng HK $8200 o P54,000 piso bilang kanyang sweldo. Ang sampung libo rito ay ipinapadala niya sa kanyang kamag-anak para sa educational allowance kada buwan.
Noon ay magastos at hindi marunong mag-budget ng pera si Jalyn. Panay shopping at kain sa labas ang kanyang ginagawa. Ngunit isang araw ng ma-realize nito and kanyang hinaharap at ang pagreretiro, sinubukan niya ang kanyang sarili pagdating sa kanyang mga finances.
Ayon kay Jalyn, ipagpapatuloy niya ang kanyang nasimulang “ipon challenge” at hindi lamang HK$20 ang kanyang ihuhulog sa susunod kundi pati HK$50 na rin. 
Samantala, marami namang netizens ang na-ispire sa ginagawang pag-iipon ni Jalyn. Oo nga’t may kalakihan ang sweldo niya, pero ang pag-iipon ay maaari rin namang simulan ng paliit liit pa lamang. Basta ang importante ay nakapagtatabi ka ng pera para sa iyong kinabukasan. 

+ There are no comments

Add yours