Walong Senyales na Nagbibigay ng Alarma sa Ating Katawan Bago Maatake sa Puso





Madalas sa tuwing may nararamdaman tayong hindi maganda sa ating katawan ay isinasantabi na muna natin ito. Ngunit ang kaugalihang ito ay hindi nakabubuti sa ating kalusugan. Maaaring magdulot ito ng malalang sitwasyon. Kaya naman ipapahayag mula rito ang mga walong senyales na nagpapakita ng alarma sa atin bago makaranas ng pagka-atake sa puso.

Sabi nga sa kasabihan ‘Prevention is better than cure’. Kung ang lahat ng tao ay gagawin ito walang sino man ang makararanas ng matinding sak!t. Bukod pa rito ang pagkakaroon ng kaalaman ay lubos na nakatutulong sa atin.

Narito ang walong warning signs bago makaranas ng heart attack:


1. Pananakit ng dibdib




Unang senyales ng pagkaatake sa puso ay ang pananak!t ng dibdib. Kung madalas kang makaramdam nito ay kinakailangan mo nang magpakonsulta sa doktor nang sa gayon malaman kung ano ang kondisyon ng iyong kalusugan. Bukod pa rito, para na rin ito sa ikabubuti ng iyong pangangatawan upang maiwasan ang ano mang mangyayaring kapahamakan. Ang pananak!t ng dibdib ay maaaring kasunod nito ang pagsak!t ng kamay, leeg, balikat, at tiyan.

2. Pagkahilo at pagpapawis ng malamig

Sa mismong panahon ng pagkaramdam ng s3nyales na ito ay maaaring maatake sa puso ang isang tao. Madalas na naaapektuhan nito ay ang mga kababaihan. Gayunpaman, isa rin ito na nagpapatunay na hindi tama ang pagdaloy ng ating dugo sa katawan. Kung konti lamang ang dugo na nagpapump sa ating utak ay ito ang nagiging dahilan ng ating pagkahilo. Kasunod nito, ang katawan ay makakaramdam ng panghihina at pagpapawis ng malamig. Kailangan ng ating katawan ang sapat na daloy ng dugo at oxygen upang gumana ito ng maayos nang sa gayon maiwasan ang mga sak!t na maaaring maranasan.

3. Labis na pagkapagod 


Kumpara sa kalalakihan, madalas na ang babae ay siyang nakararanas ng sintomas na ito. Ang mga babae ay karaniwang napapagod dahil sa mga gawaing bahay, sa pag-aasikaso sa kanilang mga anak at asawa. Idagdag pa ang trabaho nila sa opisina. Kaya naman sila ang madalas na makaramdam ng kapaguran. Ngunit ang sobrang pagkapagod ay nakakasama sa ating kalusugan. Maaaring pagmulan ito ng pagkaatake sa puso. Dahil kung kulang ang pagdaloy ng dugo sa ating puso, mapipilitang magtrabaho ng mas mabilis at malawak ang puso para mapanatiling tumitibok ito. Ngunit ang resulta nito ay madalas na makaramdam ng pagkapagod.

4. Pananak!t ng Tiyan


Maaaring maging senyales ito ng pagkaatake sa puso. Ang nararamdamang pananak!t ng ating tiyan sa tuwing busog tayo o walang laman ang tiyan ay dapat huwag ipagsawalang bahala. Lalo na kung kasabay nito ay ang pagkaramdam ng tila ba nasusuka, hindi maipaliwanag na pagsak!t ng tiyan, at pangangalambot ng katawan. Mapababae o lalaki ay nakakaranas ng ganitong sintomas bago ang pagkaatake sa puso.




5. Hirap sa pagtulog

Karaniwang tinatamaan ng sintomas na ito ay ang mga kababaihan. Nakakaranas ka ba ng insomia? Kung oo, alam mo ba na isa ito sa mga hudyat na maaaring maatake ka sa puso. Ang pagkakaroon ng insomia ay kaugnay ng pagtaas ng tiyansa sa panganib na str0ke o atake sa puso. Gayunpaman, ang insomia ay nakakaranas ng mataas na lebel ng pagkabahala at absent-minded.

6. Kapos na hininga


Magkaugnay na nagtratrabaho ang ating puso at baga kaya naman kung hindi maayos ang paggana ng isa ay magkakaroon ng epekto sa ating kalusugan. Bago ang pagkakaatake sa puso makakaramdam ng pagkakapos ng hininga. Kahit na sino man ay maaaring maranasan ito bago mangyari ang nakakatakot na sitwasyon. Kung madalas na maramdaman ang pagkakapos ng inyong hininga ay mainam na magpakonsulta na sa inyong doktor.

7. Paglalagas ng Buhok

Ang pagkawala ng ilang mga hibla ng buhok ay normal lamang ngunit kung umabot sa puntong sobra na ang paglalagas nito ay hindi na maganda ang sitwasyon ng inyong kalusugan. Alam mo ba na ang pagkawala ng buhok ay maaaring sinyales ng atake. Sa sitwasyon na ito ay madalas na tamaan nito ay ang mga kalalakihan.

8. Irregular heartbeat

Karaniwang nararamdaman na bumibilis ang tibok ng ating puso sa tuwing kinakabahan, natatakot, pagtakbo ng mabilis, at mga gawaing ikinapagod. Gayunpaman, sa mga ganitong sitwasyon ay kusang babalik sa normal ang pagtibok ng puso. Ngunit, kung nakakaranas ng hindi normal na pagtibok ng puso ay maaaring maging sanhi ng pagkaatake. Ang sobrang takot, kaba, at pagod ay maaaring maging hudyat ng atake sa puso.

+ There are no comments

Add yours