Alamin ang mga Mabisa at Epektibong Paraan Upang Makaiwas sa Pagkakaroon ng Paltos




Marinig pa lang ang salitang paltos, nagbibigay na sa atin ng hindi kumportableng pakiramdam. Dahil kung makikita pa lang ang parang isang butil na hitsura nito ay ang sarap ng paputukin na lang para maalis na ito sa ating katawan.  Ang paltos ay pagkakaroon ng fluid sa loob ng ibabaw na bahagi ng balat. Madalas, sanhi ito ng nakiskis na balat, paso o kaya ay nalagyan ang balat ng chemical na pwedeng makapaso dito. Kung minsan ang paltos ay sanhi ng ibang karamdaman.
Minsan naman hindi ito galing sa mga bagay na nagmula sa labas kundi dahil sa mga s@k!t na nakuha noon tulad na lamang ng bulutong, Ecz3ma, Dyshidrosis, Dermatitis at iba pa.

Minsan, kusa nang gumagaling ang mga paltos na namumuo sa ating katawan sa paraan ng pagtuyo. Tulad ng sabi ng mga eksperto, huwag na huwag itong pipisilin dahil baka mas lumala pa ang sitwasyon tulad na lamang ng pagkakaroon ng imp3ksyon. Narito ang ilang paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng paltos:

1. Paggamit ng band-aid sa pagtakip ng paltos, sa ganitong paraan naiiwasan ang pagpasok ng dumi na minsan nagiging simula ng pagkalubha nito.
2. Hugasan ang paligid ng paltos gamit ang sabon at hayaan na lamang itong matuyo, o punasan ng dahan-dahan kung maaari.
3. Maraming paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng paltos sa kamay man o paa tulad ng pag-iwas na  magsuot ng high heels, o masisikip na mga sapatos na maaaring magdulot ng paltos, magsuot na lamang ng kumportableng medyas at sapatos. Sa mga pagkakatong madalas gamitin ang kamay gaya ng sports dapat lamang na gumamit ng proteksyon tulad ng gloves para maiwasan ang paltos.


+ There are no comments

Add yours