Anak Na Ayaw Pumasok Sa Eskwela Pinagpulot Ng Basura, Umami Ng Iba’t Ibang Reaksyon
Ang bawat magulang ay may kanya-kanyang istilo sa pagdidisiplina ng kanilang anak lalo na’t para ito sa ikabubuti ng kanyang kinabukasan.
Ang edukasyon ang pinakaimportanteng bagay na maipapamana sa atin ng ating mga magulang. At bilang isang magulang, ang nanaisin mo ay makapagtapos ang iyong anak sa pag-aaral para magkaroon siya ng magandang kinabukasan. Ngunit kung ang iyong anak ay ayaw pumasok sa eskwela, ano nga ba ang dapat mong gawin?
Dalawang magulang na taga Thailand ang nagviral at umani ng sari-saring reaksyon sa mga netizens dahil sa kakaiba nilang paraan ng pagdidisiplina sa kanilang anak na ayaw pumasok sa eskwela.
Ang mag-asawa na sina Nuttanicha Chotsirimeteekul at ang kanyang mister ay hinahatid na sana nila ang kanilang limang taong panganay na anak sa eskwela ng bigla itong mag-tantrums at ayaw pumasok sa klase. Pinaliwanag nila kung gaano kaimportante ang edukasyon at kung bakit kailangang pumasok sa eskwela ang bata ngunit kahit anong gawin nila ay ayaw talaga nitong pumasok.
Kaya naman naisip ng mag-asawa na papulutin ng basura ang kanilang anak bilang pagdidisiplina upang malaman nito kung gaano kahirap kumita ng pera.
Upang ma-monitor ang kanilang anak ay sinamahan nila itong magpulot ng mga nakakalat na basura sa daan. Naglakad sila ng higit 2.2 kilometro at sila naman ay nakapulot ng mga bote at basura na pwedeng ibenta nasa timbang na 2kg.
Matapos ang pagpapagod sa pangangalakal ay ibinenta nila ito sa isang junkshop at kumita lamang ang bata ng 2 baht o Php3.
Pawis na pawis ang bata dahil sa pagod at sinabi sa kanyang ina na mag-bus na sila pauwi. Ngunit sinabi ng nanay na paano sila makakasakay kung hindi sapat ang pera na kanyang kinita. Kaya naman ang bata ay walang nagawa kung hindi maglakad.
Ngunit sa kanilang paglalakad ay sinabi ng bata na gusto niya ng ice cream. Sabi ng ina, na kung bibili sila ay nagkakahalaga ng 5 baht ang ice cream at hindi sapat ang kinita niyang 2 baht para pambili. Kaya wala na namang nagawa ang bata at sinabi na gusto na lamang niyang umuwi.
Matapos nito ay hindi na nagreklamo ang bata na ayaw na niyang pumasok sa eskwela.
Ayon sa ibang netizens, naging malupit ang pagtuturo ng leksyon sa bata ngunit ang iba naman ay sumasang-ayon sa ginawang pagdidisiplina ng mga magulang sa kanilang anak.
+ There are no comments
Add yours