Babae, Nag-viral Matapos Magdala ng Isang Malaking Bag ng Popcorn Para sa Panunuod Niya ng Avengers Endgame




Walang pagdududa na ang Avengers Endgame ay isa sa mga inabangan ng maraming Pinoy na maipalabas sa mga sinehan. Pinatunayan ito ng isang tagatangkilik ng pelikula matapos itong magsiguro na hindi ito tatayo sa kinakaupuan dahil sa panunuod ng 3-hour movie na avengers. Ang Food Vlogger na kilalang si Lamon Queen o kilala din sa pangalan na Tina Chosera of Tee Radio ay nagdalawa ng isang malaking plastic bag na puno ng popcorn sa loob ng sinehan.
Ito lamang ay tinatanyag na 15x sa dami ng average na popcorn bucket na kadalasan ay binibili at dinadala sa loob ng sinehan. Si Lamon Queen ay kilala bilang tagakain ng mga malalaking servings ng pagkain online. Ayon sa kaniya, ginawa niya ang pagdala ng malaking plastic bag ng popcorn dahil alam niyang hindi sapat ang isang bucket lamang. 

“I can finish one bucket of popcorn before the movie starts. It’s so hard to carry all 15 buckets so I brought my own plastic container,” sa isang pahayag niya sa isang interview. Sa takot na maubusan siya ng popcorn sa kalagitnaan ng palabas, sinugrado ni Tina na hindi siya gugutumin at dahil binanggit din naman niya na talagang popcorn lover siya. Dagdag pa niya na madalas ay naiinis siya tuwing kasama niya ang mga kaibigan niya na inaagawan siya ng popcorn.
“So we always choose cinemas with unlimited popcorn. But this time these places are sold out and they’ve been teasing me how can I last for three hours after I finished my popcorn. They know I really need to eat something while the movie isn’t finish,” pagbabahagi ni Tina, kaya naman daw niya naisipan talaga na gawin ito. Pinost ni Tina ang pagdadala niya ng malaking popcorn bag sa kaniyang Instagram account noong Abril 24 ay ito ay nagviral kung saan mayroon itong 18k na likes at naishare ito ng 7.5k na beses.


+ There are no comments

Add yours