Babae Tinapunan Ng Taho Ang Isang Police Officer Matapos Siyang Pagbawalan
Bilang isang safety precaution sa mga pampublikong lugar at sakayan, isa sa mga ipinagbabawal ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) ay ang pagpasok ng mga likido sa loob ng tren. Ilan sa mga commuters na hindi alam ang patakarang ito ay napipilitang iwanan ang mga dinadalang likido bago pa makasakay sa tren.
Pero dahil hindi lahat ng mga sumasakay at commuters ay aware sa patakarang ito, hindi maiiwasan na marami ang nagagalit. Ngunit ang mga empleyado, mga guards, at security officers na nagbabantay sa loob ng istasyon ay walang magawa kung hindi sumunod at maging istrikto sa pagtupad ng patakarang ito.
Isang insidente ang nangyari sa pagitan ng isang Chinese na babae at isang police officer matapos itong gumawa ng eskandalo na talagang kinamuhian ng maraming netizens.
Ayon sa isang netizen na nakasaksi ng pangyayari, pinagbawalan ng officer ang turistang babae dahil bawal ipasok sa loob ng istasyon ang kanyang dala-dalang taho. Ngunit maaaring dahil na rin sa pagkagalit ay tinapunan niya ng taho ang nasabing officer na kinilala bilang si Police Officer 1 (PO 1) William Cristobal.
Dahil dito, nadumihan ng taho ang uniporme ng kawawang pulis. Bakas sa mukha na kahit tila nagagalit na ang pulis dahil sa pamamahiya na ginawa ng babae ay nanatili itong kalmado at hindi niya ito pinatulan.
Sa ginawang eskandalo ng babae ay dinala ito sa malapit na presinto sa Mandaluyong City matapos ang nasabing insidente. Nakilala ang turistang babae bilang si Jiale Zhang.
Samantala, marami ring netizens ang nagalit at nagpakita ng pagkamuhi sa ginawa ng babae. Ngunit marami rin naman ang humanga sa pulis dahil kahit siya ay napapahiya na ay nanatili siyang kalmado at propesyonal dahil sinusunod lamang niya ang batas.
Marami ang umaasa na sana ay madeport na lamang ang babae o di kaya ay magbayad ng malaking fine dahil sa ginawang pamamahiya niya sa isang person in authority.
anong nangyare?