Bakit Nga Ba Tayo Inaantok Pagkatapos Kumain?




Isa ka ba sa mga taong nakakaranas ng antok pagkatapos kumain? Nagtataka ka rin ba kung bakit ito nangyayari? Wala kang dapat ipag-alala dahil karaniwan lamang ito na nangyayari sa halos lahat sa atin. Madalas kapag busog tayo nakakaramdam tayo ng antok o kaya naman ay nakakatulog na lamang ng tuluyan pero masama iyon sa kalusugan dahil maaaring makaranas ng iba’t ibang karamdaman tulad na lamang ng pagkakaroon ng digest!ve pr0bl3ms. 

Gayunpaman, kung ang pagkakaantok ay nangyayari pagkatapos kumain at nawawalan ka na ng ganang gawin ang iba’t ibang gawain, maaari itong maging sanhi ng pagkabahala dahil kapag ito ay mangyari ng tanghalian maaaring mawalan ka na ng ganang gawin ang mga trabaho sa panghapon. Narito ang ilan sa mga  kadahilanan kung bakit tayo inaantok matapos kumain:
1. Diet
Mayroong ilang mga pagkain na madaling matunaw sa katawan na makakapagbigay ng maraming enerhiya na lumalaban sa antok. Kabaliktaran naman nito ang mga pagkain na mayaman sa protina at carbohydrates tulad ng karne, manok, itlog, isda, spinach, tofu, keso at soybeans, na kung saan naglalaman ng amino acid na maaaring magsimula ng pakiramdam na inaantok. Kung gusto mong magkaroon ng sapat na enerhiya sa pang-araw araw na gawain kailangang uminom ng sapat na tubig at kumain ng gulay at kanin.
2. Nasobrahan sa Caffeine
Akala natin na ang caffeine ay magpapagising sa atin at minsan hindi na tayo naniniwala sa salitang sobrang caffeine dahil sa pag-aakalang ilalabas ito ng katawan sa panahong hindi ito kailangan. Gayunpaman, may mga panahon na kung saan gumagawa na mismo ang ating katawan ng sariling pampadagdag ng enerhiya. Kung gusto mong uminom ng kape dito ang mga oras kung kailan sila ay pinaka kinakailangan; 9:30 hanggang 11:30 ng umaga at 1:00 hanggang 5:00 ng hapon. Ang pag-inom ng kape sa ibang pagkakataon kaysa sa mga nasabing oras ay nakakaapekto sa iyong oras ng pagtulog sa gabi.
3. Digestion
Para makagawa ng gawain araw-araw kailangan natin ng enerhiya. Maaari tayong makaipon ng enerhiya sa tatlong paraan, ehersisyo, paghinga at pagkonsumo ng mga pagkain na may glucose. Sa pamamagitan ng mga pagkain na ating kinakain ginagamit ang ating digestive system para matunaw ito at maging glucose na responsible sa pagkakaroon ng enerhiya ng katawan. Kaya naman kapag hindi maayos ang trabaho ng ating digestive system maaaring makaramdam ng panghihina ang katawan na tumutungo sa ating pagkaantok.

4. Oras ng Pagtulog 
Ang mga hindi magandang pattern ng pagtulog ay maaari ring maging sanhi ng pagiging antukin matapos kumain dahil nakakaramdam ang katawan ng pagiging relaks at ito ay nagpapahinga kaya naman ikaw ay nakakatulog sa tanghali. Salungat naman rito ang mararamdaman mo tuwing gabi dahil mas buhay naman ang iyog katawan sanhi ng pagkuha ng energy sa pagkatulog. Upang maiwasan ang pagkatulog sa hapon, Ang regular na pisikal na ehersisyo ay makatutulong sa iyo na matulog ng maganda sa gabi. Inirerekomenda na iwasan ang pag-idlip sa hapon kung nagkakaroon ka ng problema sa pagtulog sa gabi.
5. Pisikal na Gawain
Sa panahon ngayon, hindi na tayo masyadong nakakagawa ng mga pisikal na gawain dahil ang mg trabaho o pang-araw araw na gawain ay kabilang na ang paggamit ng cellphone, laptop o kahit anumang gadgets. Minsan nakakaligtaan na ang pangangailangan ng katawan na tamang halaga ng ehersisyo. Kaya naman minsan ang katawan natin madali nalang mapagod, na kapag konting oras lang na paglalaan ng enerhiya sa mga gawain ay gusto ng pahinga tulog ang katawan. 
Ang pagkakatulog pagkatapos kumain ay maaari ding maging tanda na ikaw ay kulang sa ilang mga sustansya. Ang mga kakulangan sa nutrisyon ay maaaring maging mahirap para sa pagkain na matunaw dahil sa isang mahinang sistema ng pagtunaw. Bilang resulta, hindi ka magkakaroon ng sapat na enerhiya upang suportahan ang iyong mga pang-araw-araw na gawain at sa gayon ay makakaramdam  ka ng antok sa buong araw.


+ There are no comments

Add yours