Chito Miranda Proud Sa Kanyang Asawa Na Si Neri Naig Sa Pagiging Isang Successful Businesswoman



Taong December 2014 nang magpakasal ang lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa dating actress na si Neri Naig, na nakilala sa pagsali sa ABS-CBN reality show na Star Circle Quest. 
Simula nang magkaroon na sila ng sariling pamilya ay huminto na si Neri sa pag-aartista at nagsimula na lamang ng kanyang sariling business. Ang nakaka-proud pa kay Neri ay talagang pinag-hihirapan at pinag-iigihan niyang maging successful ang kanyang business at hindi siya basta na lamang umaasa sa kanyang asawa. 
Kamakailan ay nagbahagi ng isang sweet message ang kanyang asawa na si Chito sa kanyang Instagram account. Ibinahagi ng OPM icon kung gaano siya ka-proud sa success ng kanyang asawa. 
Nagpost rin ito ng kanyang selfie sa bagong bukas na business ng kanyang misis, na Neri’s Not So Secret Garden sa Batangas. 
Ibinahagi ni Chito ang pagiging “wais na misis” ni Neri. At kung papaano naging mas matagumpay ang pagiging businesswoman ng kanyang misis kaysa sa kanyang pag-aartista noon. 
Narito ang kanyang pahayag:
“Umakyat ako kanina sa roofdeck at pinagmasdan ko ‘yung ginawa ng asawa ko. Napa-iling nalang talaga ako kasi kung ano ang gusto nyang gawin, pinag-pupursigihan at isinasatupad nya talaga.”

Ayon sa pahayag ni Chito, na noong unang beses silang magkakilala ay wala raw pera at ipon si Neri. Dahil ang konting kinikita niya sa showbiz ay napupunta lahat sa hinuhulugan niyang condo. Noong opisyal na naging sila at hanggang noong sila ay ikinasal ay ni minsan ay hindi raw humingi ng pera sa kanya ang kanyang asawa.

“Dun nagsimula yung ‘wais na misis,’ kasi lahat ng binibili niya, either mula sa ukay or sa thrift store lang, and lahat ng pwede niyang pagkakitaan, pinag-iisipan niya kung paano niya papalaguin.”

Ibinahagi rin ni Chito kung paano nag-aral na magluto at mag-bake ang kanyang asawa para sa kanyang business. Nagbenta rin si Neri ng kanyang used clothes at bags para makaipon ng puhunan para sa kanyang gourmet tuyo business. 
Nagsimula siya sa 60 bote lamang at nakisabay lamang sa booth ng Parokya ni Edgar sa isang bazaar. At ngayon, ay nagpapatakbo na siya ng kanyang sariling restaurant. 
Nagbigay rin si Chito ng kanyang advice sa mga gustong mag-business.
“Don’t pray for success and money. Pray for the strength, the humility, the discipline, and the determination to do what needs to be done in order to succeed. Dream. Believe. Surv…este, WORK HARD.”

+ There are no comments

Add yours