Estudyante Nagdala Ng Kanyang Sariling Medal Para Sa Graduation Dahil Wala Siyang Natanggap



Lahat ng estudyante ay nangangarap na makatanggap ng award o medal. Dahil para sa kanila, ang pagtanggap ng medal ay may napakalaking ibig sabihin na kung saan ito ang nagiging patunay na nagsikap ka at nag-aral ka ng mabuti. 
Ngunit kahit na sabihin ng estudyante na nag-aaral na man siya ng mabuti ay mayroon lamang talagang mga piling estudyante na nabibigyan ng award. Kaya naman ang isang graduating student na ito ay gumawa ng kanyang sariling paraan upang siya ay magkaroon ng medal.
Ayon sa isang Facebook post ni Logbet Manyaman, inamin daw ng graduating student na ito na naging viral sa social media na nanghiram siya ng medal sa kanyang kaklase at bumili siya ng sarili niyang medal sa halagang Php20 sakaling walang magpahiram sa kanya.

Nang tinatawag na ang listahan ng mga graduates para umakyat sa stage at kunin ang diplima, itinago ng estudyanteng ito ang mga medal sa kanyang kamay.  
Noong tinawag niya ang kanyang pangalan at umakyat sa stage upang i-handshake, ay bigla niyang inilabas ang mga medal na tila parang iniabot sa kanya na para bang may award niya. 

Nang masaksihan naman ito ng kanyang mga kaklase ay naghiyawan sila dahil sa nakakatawang stunt na ginawa niya. 
Masuwerte lamang siya at hindi naging istrikto ang mga school staff upang siya ay pagbawalan. Sa halip, sinabihan siya na iabot ito sa kanyang ina upang isabit sa kanya na para bang totoong nakatanggap siya ng medal. 

Nagviral ang post sa social media at ikinatuwa ng ibang mga netizens at sinabi na kahit na nakakahiya ang ginawa niya ay naging madiskarte naman siya. 
Ngunit ang post ay nakatanggap rin ng pangit na komento sa ibang mga netizens na sinasabing ang mga ganitong klasing event ay hindi dapat niloloko o pinagkakatuwaan. Dahil hindi biro ang ginagawang hirap ng mga estudyanteng nagsisikap para makakuha talaga ng totoong medalya at award. 

+ There are no comments

Add yours