Hinangaan Ang Isang Estudyanteng Nagbebenta Ng Kape Sa Mga Kaklase Dahil Sa Matinding Pangangailangan



Ang buhay estudyante ay magiging madali kung ang iyong pokus ay nasa pag-aaral mo lamang. Ngunit kung ikaw ay isang working student na kailangang kumayod at magtrabaho ng sabay para may pangtustos sa mga gastusin ay talagang ito ay isang napakalaking pagsubok. 
Isang Facebook user na si Aldreen Pelobello Siplon ay nag-share ng mga larawan ng kanilang isang kaklase na nagsusumikap makapagbenta ng kape sa kanilang mga kaklase para may perang pangsuporta sa kanyang pag-aaral.
Sa naturang post ni Siplon ay tinag niya ang isang lalaking nagngangalang Gulapa Paulo na maaaring pangalan ng kanilang kaklaseng nabanggit. Hindi man binigyan pa ng iba pang detalye ang kanilang tinutukoy na kaklase ngunit napag-alaman na sila ay pumapasok sa San Francisco High School sa Quezon City. 
Ang business ng nasabing estudyante ay napakasimple lamang ngunit malaki ang naitutulong sa kanyang pang-gastos araw-araw pati na rin sa pangangailangan ng kanyang mga kaklase, na manatiling gising sa klase sa pamamagitan ng paginom ng kape. 
Sa post ni Siplon ay naglagay siya ng caption na,
“Yung classmate mong may matinding pangangailangan at the same time napupunan din yung pangangailangan nyo.”


Tuwing papasok ang kanilang kaklase ay may dala-dala itong maliit na thermos na may lamang mainit na tubig. Siya rin ay nagdadala ng mga styrofoam cups at mga ibinebentang de-sachet na kape. 
Hinahangaan nila ang kanilang kaklase dahil sa kanyang abilidad at pagiging masipag nito. Maging si Siplon ay masaya dahil isa rin siya sa mga loyal customers na nakakatulong para magkaroon ng extra income ang kanilang kaklase. 
Hindi na tinukoy kung gaano na katagal niya itong ginagawa. Ngunit hindi naman nakakapagtaka na naso-sold out ang kanyang benta dahil nakakatulong ang kanyang business upang manatili ang kanyang mga kaklase na alerto at gising sa klase. 
Maraming netizens ang humanga sa kasipagan ng estudyante at tinitiyak na malayo ang mararating nito balang araw kung ipagpapatuloy lamang niya ang pagiging maabilidad at masipag. 

+ There are no comments

Add yours