Hinangaan Ang Lalaking May Isang Paa Na Nagbubuhat Ng Sako-Sakong Saging Para Makapaghanap-buhay



Kadalasan tayo ay nagrereklamo kung tayo ay walang bagong sapatos, napapagod sa kakatrabaho, etc. Ngunit ang hindi natin naiisip na sa kabila ng mga biyayang ating natatanggap ay mas inuuna pa natin ang pagrereklamo kaysa magpasalamat sa araw-araw. Dahil kung sa konting paghihirap lang ay umaangal na tayo paano pa kaya ang lalaking ito na iisa lamang ang paa pero kinakaya pa ring magtrabaho sa kabila ng lahat. 
Laki sa isang mahirap na pamilya sa Mindanao ang isang lalaki na kinilala bilang si Allan Aguilar. Huminto sa pag-aaral at nakatuntong lamang ng grade 1, kinailangan ni Allan na magtrabaho na sa murang edad pa lamang.
Nang tumigil ito sa pag-aaral, tinutulungan niya ang kanyang ama na kumuha ng mga materyales na panggawa sa mga furnitures tulad ng rattan sa isang gubat na malapit sa kanilang tahanan. 
Subalit isang araw, naaks!dente si Allan habang papunta ito sa kagubatan. Sa kasamaang palad, ang kanyang kanang paa ay naapektuhan. Dahil walang pera ang kanyang pamilya sa pagpapagamot, umabot ito sa punto na pinaputol na lamang nila ang kanyang isang paa. 
Ngayon ay iisa na lamang ang paa ni Allan. 
Mayroong mga report na sinasabi na inaapi siya ng kanyang mga kamag-anak, ngunit sa kabila ng lahat ay nananatili pa rin siyang  matatag at masipag. Dahil sa kanyang kondisyon, nag-aalala ang kanyang tiyahin kaya naman isinama siya sa isang bayan ng Sogod sa Southern Leyte. 

Siya ay nanirahan sa isang village ng Mabicay sa loob ng 10 taon at naghahanap buhay sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produktong galing bukid tulad ng saging.
Kahit na siya ay mayroon na lamang na iisang paa ay nagsusumikap pa rin siyang makapagtrabaho ng marangal para sa kanyang ikabubuhay. Araw-araw ay nagbubuhat ito ng 50 kilong saging at iba pang produkto papunta sa town center na 2 kilometro ang layo. 
Kahit na ang kanyang araw-araw na gawin ay isang napakalaking pagsubok sa kanya dahil sa kanyang kondisyon ay kinakaya niya ito nang walang pagrereklamo. Hinahangaan rin siya ng maraming tao dahil hindi niya ginagawang dahilan ang kanyang kapansanan upang hindi maging produktibo sa lipunan. 

+ There are no comments

Add yours