Hot Shower vs Cold Shower, Alin Ba Ang Dapat Para Sayo?



Kapag mainit ang panahon, ang unang papasok sa ating isip ay maligo sa malamig na tubig upang mapreskuhan. At kapag malamig naman ang panahon, nagpapainit pa tayo ng tubig o di kaya ay maliligo sa hot shower. Ngunit ano nga ba temperatura ng tubig ang nararapat na para sayo?
Alamin ang magkaibang benepisyo ng hot shower vs cold shower.
Benepisyo ng Hot Shower

1. Nakakatulong tanggalin ang pagbabara ng ilong

Kung ikaw ay mayroong sipon o baradong ilong, ang pagligo sa hot shower ay nakakatulong upang mapaluwag ang paghinga. Ang steam na nagmumula sa mainit na tubig ay nakakapagtanggal ng bara sa iyong ilong.
2. Pinipigilan ang pagdami ng acne at tigyawat

Ang hot shower ay nakakatulong upang buksan ang mga pores at linisin ito. Pinapahintulutan rin nito ang pagbabara ng pores na siyang dahilan ng pagkakaroon ng tigyawat.
3. Nakakatulong sa pagpapapayat

Ang mainit na tubig na nagmumula sa shower ay nakakapagpabilis ng metabolismo. At sa paraang ito, makakatulong ito sa weight loss.
4. Pantanggal ng muscles stiffness

Madalas bang sumak!t ang iyong mga kasu-kasuan dahil overworked at stress? Makakatulong ang pagligo sa hot shower upang marelax ang mga kalamnan at matanggal ang muscles stiffness. 
5. Pantanggal ng migraine

Ang mahinang sirkulasyon ng dug0 sa ulo ang siyang dahilan kung bakit sumasak!t ito at nagkakaranas ka ng migraine. Subukang maligo sa hot shower upang ma-improve ang blo0d flow sa katawan at matanggal ang nararamdamang migraine. 

6. Cramps na dulot ng regla

Ang pagbabad sa hot tub o hot shower ay nakakatulong upang marelax pakiramdam. Ang mainit na temperatura ay nakakapagpawala ng pananak!t ng puson na dulot ng pagreregla.
Benepisyo ng Cold Shower

1. Pampabawas ng stress

Ang cold shower ay nakakatulong alisin ang init ng katawan tuwing ikaw ay nai-istress. Nakakabawas ito ng pakiramdam ng pagkapagod.
2. Nakakaiwas sa insomnia

Isang dahilan kung bakit hindi ka makatulog ng maayos at mahimbing sa gabi ay dahil sa mainit na pakiramdam. Kung nararamdaman ito, maligo sa cold shower upang mas maging masarap ang pagtulog.
3. Binabalanse ang iyong presyon

Ang mataas na temperatura sa katawan ang dahilan kung bakit tumataas ang iyong presyon. Upang maiwasan ito, maligo ng malamig na tubig. Nakakatulong itong balansehin at ibalik sa normal ang iyong blo0d pressure levels.
4. Binabawasan ang implamasyon

Nakakaranas ka ba ng pagmamanas o pamamaga? Ang pagligo sa cold shower ay katulad ng paglalagay ng ice pack sa mga namamagang bahagi. Mabisa itong panlaban sa implamasyon sa katawan. 
5. Mood booster

Ang cold shower ay mabisa upang magkaroon ng mas maganda mood at iniimprove ang iyong motivation dahil nakakatulong itong marefresh ang iyong katawan.

+ There are no comments

Add yours