Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation



Ang makapagtapos sa kolehiyo ang pangarap ng bawat estudyante. Sa kabila ng puyat, pagod, at tiyaga sa ilang taon na pag-aaral ay sa wakas ay nalampasan mo ito. Ang graduation ang pinaka-espesyal na araw na hinihintay ng mga estudyante dahil ito rin ang araw na kung saan aakyat ka sa entablado at kukunin ang iyong diplomang pinaghirapan.
Bawat magulang ay pangarap nilang masamahan ang anak sa kanilang graduation. Ngunit para sa isang graduate na ito ay tila mas nalungkot pa siya sa mismong araw ng kanyang graduation imbes na saya ang kanyang naramdaman. 
Ibinahagi ng netizen na si Jeric Rivas ang kanyang malungkot na sinapit sa mismong araw ng kanyang graduation. Siya ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Criminology sa La Concepcion College San Jose Del Monte Bulacan.
Sa kanyang viral post, ibinahagi niya ang kanyang pinagdaan bilang isang estudyante. Hindi naging madali ito para sa kanya dahil imbes na magfocus ito sa pag-aaral ay naranasan niyang maging isang working student upang matustusan ang kanyang pangangailangan.
Isiniwalat ni Jeric na siya ay isang consistent honor student simula elementarya. Noong nag-graduate siya with honors noong grade 6 ay wala mang umattend sa kanyang graduation para sabitan siya ng medal kaya hindi nalamang ito umakyat ng stage para kunin ito. Noong siya naman ay high school ay naging Best in TLE siya ngunit wala pa ring sumama sa kanyang graduation.

Para sa isang anak ay napakasakit na maranasan ito dahil parang hindi ka pinapahalagahan ng iyong magulang. At ang masaklap pa ay hindi man niya alam kung makakapagtuloy siya noon sa pagko-kolehiyo.
Dahil pursigido talaga siyang maka-graduate ng college ay namasukan siya sa iba’t ibang trabaho para mabayaran ang kanyang mga gastusin. Naging isang factory worker, student assistant, janitor, service crew at maging pagiging kasambahay ay kanyang pinasukan. 
Bagamat hindi man niya naramdaman na sinuportahan siya ng kanyang mga magulang, ay nagpapasalamat pa rin siya. Nagpasalamat rin siya sa mga taong tumulong at kumupkop sa kanya hanggang siya ay makapagtapos. 
Kaya noong mismong araw ng kanyang graduation, kahit walang umattend ni isa sa kanyang pamilya ay makikita na sinamahan siyang umakyat sa stage ng ilan sa kanyang mga guro. At maging ang kanyang mga kaklase ay proud sa kanya.
Samantala, maraming netizens ang na-touch sa kanyang kwento at hinangaan si Jeric dahil sa kanyang katatagan at kasipagan kahit na matinding hamon ang kanyang naranasan sa ilang taon ng kanyang pag-aaral. 

19 Comments

Add yours
  1. 2
    Stormy

    Kudos to you for your sacrifices…life must go on and success will be waiting for you out there…just stick your mind to your goals in life..good luck!

  2. 12
    Unknown

    Hindi man nila maipakita na proud sila syo pero sure kung ano nararamdaman mo higit sa kanila… sadyang hindi sila sanay at hindi nila kaya ang buhay na iyong tinatahak…

  3. 14
    Unknown

    kung ako naging magulang mo im so so proud of u, ung anak ko pinag aral, with all my support pero d sya nkatapos samantalang ikaw pinilit.mong makapag aral by yourself. Hinahangaan kta iho, at sana magtagumpay ka ?

  4. 15
    Unknown

    Always remember your knowledge is powerful than ur family hindi man nila maunawaan ang sitwasyon mo ipakita mo nalang how great you are, how strong you are, and how dedicated you are bihira ang ganyang talento pakaingatan at harapin pa ang darating na challenge

  5. 16
    Unknown

    Congrats sayo. mas lalo ka patatatagin dahil sa dami ng iyong pinagdaanan.kahit ganun paman ang nangyari wag mo pa rin kalimutan ang mga magulang mo.siguradong meron silang dahilan.isang karangalan ang makapagtapos ang anak.baka nahihiya sila sayo dahil sa oras na kelangan mo sila wala silang magawa….

  6. 17
    Unknown

    Your not alone. Elementary. High school. College graduation without my parents. Mahirap lang at gastos pa yun. Matindi yung oath taking for passing the board. No companion. No celebration. I understand again bec I am very proud for the job well done. It's my parent's choice. No hurt feeling.

  7. 18
    Unknown

    Bagamat wala man ang magulang mo tandaan mo sila ang nagbigay ng buhay mo utang mo pa rin sa kanila ang buhay mo kaya mo yan kahit hindi man nakapunta ang mga mahal mo sa buhay at least nakapagtapos ka sa sarili mong sikap CONGRAT'S …..

+ Leave a Comment