Inilibre Ng Doktor Na Ito Ang Hospital Bill Ng Kanyang Dating Teacher



Ang ating mga guro ay nagiging parte na ng ating buhay bilang estudyante. Sila ang tumatayong pangalawang magulang kapag tayo ay nasa paaralan. Ang makita tayong makapagtapos at maging matagumpay sa buhay ay isang karangalan na para sa kanila. 
Hindi man tayo maalala isa-isa ng ating mga guro dahil sa dami ng kanilang estudyante, ay tiyak naman na wala silang ibang hinangad kung hindi makapagtapos tayo sa pag-aaral. At dahil sa pagmamalasakit nila na tulad ng sa ating mga magulang, marapat rin na suklian natin ang kanilang pagmamahal sa atin.
Katulad na lamang ng istorya ng hindi inaasahang muling pagkikita ng isang estudyante na ngayon ay isa nang doktor at ang kanyang dating guro. 
Si Virginia Padilla Roble, 64 taong gulang na taga Mandaue City ay isang guro na nagpunta sa ospital dahil nabalian siya ng kamay. Dinala siya sa Perpetual Succour Hospital upang mapasuri niya ang kanyang kaliwang kamay. Ngunit ang hindi niya alam, na ang isang doktor na naka-duty doon ay kanya palang dating estudyante.
Noong matapos ang kanyang treatment at handa na siya upang mag-checkout. Magbabayad na sana siya ng hospital bill ngunit nagulat sa nakita sa nakasulat sa resibo. Talagang naantig siya sa maiksing mensahe na nakasulat kapirasong papel. 
Narito ang nakasulat:
“Dear Madam Roble, professional fee- paid 22 years ago (one of my favorite teacher!)”

Lumalabas na ang doktor na nagsuri sa kanya ay kanyang dating estudyante noon. Kaya naman imbes na magbayad ay inilibre na niya sa bayarin sa ospital ang kanyang paboritong teacher.

Laking pasasalamat naman ang inihatid ng dating guro. Pinuri niya rin ang kanyang dating estudyante sa pagiging maalaga sa kanyang mga pasyente. 
Isa siyang magandang inspirasyon dahil kahit sa tagal tagal na panahon na ang nakalipas ay hindi pa rin niya nakalimutan ang kanyang guro na nagturo at naging parte na ng kanyang buhay. 
Hindi rin naman nakakapagtaka na naging isang mabuting teacher rin noon si Madam Roble kaya naman kahit na nagkaroon na ng sariling career at nagtagumpay na sa buhay ang kanyang mga dating estudyante ay tinitingala pa rin siya ng mga ito kahit ilang taon man ang lumipas. 
Maswerte silang pareho dahil mayroon silang isang guro na katulad niya at ganoon din naman siya sa kanyang mga dating naging estudyante. 

+ There are no comments

Add yours