Isang Ama Na Basurero, Napagtapos Ang Anak Sa Kolehiyo Dahil Sa Kanyang Pagsisikap
Hindi madali ang maging isang basurero, bukod sa basura ang iyong hinahawakan araw-araw ay kakaunti pa ang kanilang kinikita. Gayunpaman, ang ama na si Cristio Quimado ay sinisikap ang kanyang trabaho sa pangongolekta ng mga basura araw-araw sa loob ng 20 taon mapagtapos lamang sa pag-aaral ang kanyang mga anak.
Ang 51 taong gulang na ama sa 4 na anak ay gumigising ng 3 AM araw-araw upang magreport sa trabaho at sa 4 AM ay magsisimula na ang kanyang araw. Hindi man madaling gumising ng madaling araw ay sinikap ni Quimado ang ganitong uri ng buhay sa loob ng 20 taon mabuhay lamang ang kanyang pamilya.
Hindi madali ang kanyang trabaho dahil lahat ng klase ng basura ay kanilang nahahawakan, at mayroong pang pagkakataon na siya ay nasusugatan dahil nakakahawak siya ng bubog. Ngunit lahat ng ito ay kanyang ginagawa para sa pamilya at sa kanyang mga anak.
Bilang isang ama, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya masuportahan lamang ang kanyang pamilya. Kahit gaano kahirap ang kanyang trabaho basta hindi ilegal ay kaya niyang magsakripisyo at tiisin ito makapagbigay lamang sa kanyang pamilya.
Ang kita niya sa isang araw ay pumapatak sa Php500. Minsan ay halos wala na rin silang makain dahil hindi ito nagkakasya sa kanialng pang-araw araw. Gayunpaman, kahit na maliit ang kanyang kinikita para masustentuhan ang pangangailangan ng kanyang pamilya ay nagpapasalamat pa rin siya at mayroong siyang marangal na trabaho at naitaguyod niya ang pag-aaral ng kanyang anak.
Dahil sa kanyang kasipagan at determinasyon ay napag-aral niya sa kolehiyo ang kanyang panganay na anak. At sa awa ng Diyos ay nakapagtapos ito sa kursong Bachelor of Science in Nutrition and Food Technology.
Wala mang materyal na bagay na maipapamana ang kanilang ama, ngunit ang edukasyon ang pinaka-importanteng bagay na maibibigay nito sa kanila.
Proud na proud din ang kanyang mga anak sa kanilang ama. At kapag tinatanong sila kung ano ang trabaho ng kanilang ama ay hindi sila nahihiyang sabihin na isa siyang basurero.
Hinangaan din si Quimado ng mga netizens dahil isa siyang superdad at napakabuting ama na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya.
+ There are no comments
Add yours