Isang Kakaibang Lapis Na Kapag Tinanim Ay Magiging Halaman
Isa sa mga mabibigay na problema sa ating mundo ngayon ay ang pag daming ng basura, pakakalbo ng mga bundok, at pagkaubos ng mga puno sa ating kagubatan. Ang mga puno ay pinupuputol upang gawin sa iba’t ibang mga produkto tulad ng kahoy, kasangkapan sa bahay, papel, lapis at iba pa.
At dahil sa mataas na demand sa mga produktong ito, ang nangyayari ay nauubos na ang ating mga puno. Ito ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga pagbaha, landslide, at mainit na kapaligiran.
Ngunit mayroon pa ring mga tao at organisasyon na nagtataguyod ng environmental protection tulad na lamang ng environmentalist na si Denise Bentulan. Nais niyang ipatupad ang plastic-free lifestyle kaya sinumulan niya ang kanyang proyektong ‘Sibol.’ Ang konseptong ito ay nakuha niya noong nag-aaral pa siya sa Mexico City.
Ang mga lapis na ito ay hindi basta basta lamang mga ordinaryong lapis. Tinawag niya itong ‘sprout pencils’ dahil kapag naubos o napudpod na ang mga ito ay maaari mong itanim upang umusbong at magiging isang halaman. Kung sa mga ordinaryong lapis ay pambura ang nakakabit sa dulo, sa mga sprout pencils na ito ay may mga buto na nakalagay.
Sa halagang trenta pesos ay may lapis ka na at maaari ka pang magtanim. Maaari kang pumili kung anong halaman ang iyong gustong itanim. Mayroong kamatis, sunflower seeds, siling labuyo, mint, at basil.
Ang gagawin lamang ay gagamitin lamang ang lapis hanggang ito ay mapudpod. At kapag ito ay maiksi na ay itatanim lamang ang dulo nito sa lupa, aalagaan, papaarawan, at saka didiligan.
Naging usap-usapan naman ang sprout pencils sa mga netizens lalo na sa mga estudyante at ginagamit ito bilang pang-giveaways dahil isa itong magandang paraan upang maibalik natin ang sigla ng ating kalikasan.
Dapat ay protektahan natin ang ating kalikasan. Kung sa bawat paggamit natin ng mga likas na yaman, dapat ay pinapalitan natin ang mga ito. Kaya magandang paraan ang proyektong ito upang tayo ay magtanim ng mga halaman.
+ There are no comments
Add yours