Isang Netizen Ang Nagalit Matapos Makita Ang Nagkalat Na Mga Resibo Sa Isang ATM Machine



Isa sa mga dahilan ng waste pollution sa ating bansa ay dahil sa hindi pagiging responsable ng mga tao sa kanilang mga basura. Madalas ay kung sino-sino pa ang ating sinisisi kung bakit dumarami ang basura at kalat sa ating kapaligiran kung ang dapat na managot naman talaga ay tayong mamamayan. 
Minsan, nasa harapan na natin ang basurahan ay hindi pa natin magawang matapon sa tamang lagayan ang ating mga kalat. O kaya naman ay basta kung saan-saan na lamang natin iniiwan ang ating mga basura. 
Katulad na lamang isyu na ito sa isang ATM machine.
Ang netizen na si Abbie Emm ay nagbahagi ng isang larawan ng isang BPI ATM machine sa may Eastwood na napuno ng mga nagkalat na basurang resibo. Makikita ang pagkadismaya ng netizen dahil kung mapapansin ay mayroon na ngang dalawang trash bin sa tabi ng machine ngunit ang mga tao ay hindi pa nagawang mai-shoot sa loob ng basurahan ang kanilang mga tinapong resibo. 

Dahil sa sobrang pagkadismaya ay kinuhaan ni Abbie ng letrato ang itsura ng ATM machine at naglagay ng caption na:
Dear Filipinos and Humans,

Sobrang sama ba ng aim ninyo na 2 basurahan na nakalagay sa ATM wala pa rin?!?
Seriously! Seriously!!!
It took me less than 5 min. Just to pick up everything. And that little piece of paper takes less than 5 seconds to get in the bin.
We complain about saving the planet. yet here we are.
If you can’t put it in the bin, BPI has an option not to print a receipt. 
Seriously!!!”

Dahil sa nakitang kalat ng netizen ay sarili niya itong pinulot at itinapon sa basurahan. Sa kanyang pangalawang larawan ay makikita na ang paligid ng ATM machine na malinis at wala ng resibong nakakalat sa sahig. 
Maraming netizens ang sumang-ayon sa post ni Abbie na ang mga Pilipino ay walang disiplina pagdating sa kanilang mga basura. Ang iba ay nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan tungkol rin sa ibang mga ATM machines na napupuno ng mga kalat dahil sa mga itinatapong resibo kahit na mayroon namang trash bins sa tabi ng mga ito. 

+ There are no comments

Add yours