Kahanga-hanga Ang Isang Estudyante Na Kahit Na-Ospital Siya Ay Gumagawa Pa Rin Ng Report Para MakaGraduate



Kahanga-hanga talaga ang mga estudyanteng masisipag at may determinasyong makatapos sa pag-aaral. Ang pagiging masipag na estudyante ay nangangahulugan na isa siyang responsableng tao at may pangarap sa buhay.
Ang college student na si Jud Gaoilan ng Isabela State University-Cabagan Campus sa Cabagan, Isabela ay kailangang makumpleto ang kanyang final demo bilang isang student teacher para sa requirement nila bago sila maka-graduate sa kursong Education.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nagkasak!t at naospital siya ilang araw bago ang kanilang final demo. Pero dahil sa gusto na niyang makapagtapos ay hindi naging hadlang ang kanyang sitwasyon upang hindi matapos ang kanyang mga final requirements. 
Bagamat ito ay isang napakalaking pagsubok hindi siya napanghinaan ng loob. Imbes na nagpapahinga at nagpapagaling siya sa ospital ay tyinaga niyang gawin ang kanyang report. Makikita na kahit naka-dextrose ang kanyang kanang kamay ay nakagawa pa rin siya ng visual aid na gagamitin para sa demo. 

Marami ang humaga sa kanyang determinasyon at kasipagan lalo na’t napakahirap magsulat ng mano-mano na mayroong nakatusok na IV line sa kanyang kamay. 

Karamihan sa mga estudyante ay hindi na gumagamit ng cartolina o manila paper para sa visual aid dahil ayaw na nilang mapagod sa kakasulat. Ngunit ang masipag na si Jud ay talagang pursigido na makagawa ng maayos na presentation.

Pinuri rin siya dahil kahit mahirap ang kanyang sitwasyon ay nakapagsulat pa siya ng napakaganda sa isang dilaw na kartolina. Makikita rin na minamarkahan pa niya ito ng lapis upang mas maging pantay-pantay ang kanyang pagkakasulat. 
Nagbahagi rin si Jud ng kanyang larawan habang sinusulat ang kanyang report at mayroong caption na:
“Kahit nakaconfine ako dito sa hospital, gagawin ko lahat matapos ko lang to. Para sa final demo.”


Maraming netizen din ang nakumbinse na sa pagtatapos niya sa kanyang kurso ay tiyak na magiging isa siyang magaling na guro dahil sa determinasyon at kasipagan niya. 
Ilang araw ang makalipas ang nagpost ulit ang binata na nakapasa siya sa kanyang final demo. 

+ There are no comments

Add yours