Kasambahay na Pinag-aral ng Kaniyang Amo, Nakapagtapos ng Cum Laude




Alam naman nating lahat na hindi hadlang ang kahirapan para abutin ang mga nais nating maabot sa ating buhay lalo na kung talagang sasamahan natin ng sipag, determinasyon at tiyaga ang lahat ng bagay na ating gagawin. Ito ay pinatunayan lamang din ng isang kasambahay sa Iloilo matapos siyang makapagtapos ng kolehiyo at nakatanggap pa ng honor bilang isang Cum Laude ng kanilang batch.
Isang post mula sa isang netizen na nagngangalang Marivic Gumban Flores ang nagtrending matapos itong magbahagi ng post patungkol sa kaniyang kasambahay na si Alfonsa Tilasa. Nakapagtapos si Tilasa ng kursong BS Computer Science sa ACSI College Iloilo nito lamang Abril 16, 2019. Nagpost si Flores sa kaniyang account upang batiin ang kaniyang kasambahay pati narin iupload nag kanilang mga larawan.

 “Congratulations Nene. All your hard work paid off. So proud of your achievements. Go out and rock the world.” Ani  Flores sa kaniyang post. Bukod kasi sa pagtatapos bilang cum laude, nakatanggap din si Tilasa ng Best in Thesis award na talaga namang sobrang naging proud ang kaniyang amo. Ayon kay Flores, 14 years old lamang si Tilasa ng unang mamasukan ito sa kaniya bilang isang kasambahay. Dahil nais niyang mas matulungan ang bata, ito ay kaniyang pina-aral upang mas guminhawa ang buhay ni Tilasa at ng kaniyang pamilya.

Noong una ay nagsimula si Tilasa sa ibat ibang trabaho hanggang mapunta kay Flores na ito naman ang nanghikayat na ipagpatuloy ang pagaaral kahit namamasukan bilang kasambahay. Natuwa naman si Tilasa kaya naman ipinagpatuloy ang pamamasukan ditto. Sa umaga siya ay kasambahay hanggang sa gabi naman ay pumapasok ito sa paaralan. Ayon kay Flores, swerte siya sa negosyo at nais niya talagang makatulong sa iba kaya naman pinag-aral niya si Tilasa.
Hindi naman binigo ni Tilasa ang kaniyang amo dahil nakakuha pa ito ng scholarship kaya nabawasan ang binabayad nito sa paraalan. Labis ang pasasalamat ni Tilasa kay Flores dahil sa suportang binibigay nito sa kaniya. Sa ngayon, hinihikayat ni Flores na maghanap ng trabaho na angkop sa natapos ni Tilasa ang bata upang mas kumita lalo ng mas malaking pera. 


+ There are no comments

Add yours