Kilalanin Ang Babaeng Ito Na May Mala-Diwatang Kagandahan Na Napagkakamalang Hindi Totoo
Dahil sa pagiging advance ng ating teknolohiya, maging ang mga computer graphics ay nagagawa na nilang parang makatotohanan. Katulad ng sa mga mobile games, ang mga graphics ng mga karakter tulad ng mga elves at diwata ay para nang totoo.
Ngunit bago magdalawang isip, mayroong isang babae na mayroong kakaibang ganda ang nakakuha ng atensyon ng maraming tao.
Dahil sa isang mobile phone advertisement, akala ng mga tao na nakapahusay lamang ng graphic designer na gumawa ng isang animated fairy. Akala ng mga tao na ito ay isa lamang Computer Generated Image (CGI). Ngunit sila ay nagulat ng malaman nila na ito pala ay isa totoong tao at marami ang namangha.
Ang tinutukoy na magandang fairy ay si Savanna Blade, isang Canadian model. Tinagurian siyang “most beautiful fairy in the world” dahil sa kanyang angking kagandahan at maamong mukha.
Bukod sa paglabas bilang isang diwata sa isang mobile ad ay lumabas na rin siya sa ilang mga commercials, advertisements sa telebisyon at maging sa mga magazines.
Angat sa kanyang mukha ang kanyang mga magandang mata at labi. Siya rin ay mayroong slim na figure at mala-porcelanang kutis na talagang pang-diwata ang kagandahan.
Ayon sa ilang mga ispekulasyon, siya rin daw ay nababagay na gumanap bilang isang Disney character na si Tinkerbell.
Kahit na siya ay hindi maglagay ng make-up sa mukha ay nakakaakit pa rin ang kanyang kagandahan. Ngunit mas lalo pa itong nangibabaw ng magsuot siya ng matutulis na tenga at damit na tulad ng sa mga mystical fairy.
Marami ang mga cosplayers sa mundo na ginagaya ang iba’t ibang mga karakter at dinadaan lamang nila sa make-up para makuha ang itsura ng mga ito. Ngunit ang may natural na beauty na tulad ng kay Savanna ay hindi na kailangan pa ng marami pang detalye dahil likas na ang kanilang pagiging maganda.
+ There are no comments
Add yours