Mabait Na Babae Nagtayo Ng Mga Bahay Para Sa Mga Mahirap Na Gawa Sa Recycled Plastic Bottles



Sa panahon ngayon, kaya dumarami ang mga basura sa kapaligiran ay dahil hindi marunong magrecycle ang mga tao. Katulad na lamang ng mga lumang plastic bottles na pinagmulan ng mga softdrinks, mineral water, at iba pa. 
Kapag ang mga ito ay basta na lamang itinapon, matagal bago matunaw ang mga ito at ang tiyansa ay maiimbak ang mga ito sa basura. Ngunit ang isang babaeng ito, ay nakaisip ng magandang ideya upang marecycle at muling mapakinabangan ang mga lumang plastic bottles.
Nakilala ang babae na si Ingrid Vaca Diez na taga Bolivia. Siya ay isang lawyer ngunit bukod dito ay sinikap niyang maging isang self-taught architect at designer upang masimulan ang kanyang proyekto na makapagtayo ng mga bahay na gawa sa pinaggamitang plastic bottles para sa mga mahihirap na pamilya sa kanilang bansa.
Nagsimula ang kanyang ideyang ito nang makakita ang kanyang asawa ng napakaraming plastic na bote sa kanilang bakuran na nakatambak lamang doon. At dahil na rin sa kagustuhan niyang makatulong sa mga taong mahihirap, ay nakaisip siya ng creative idea na magtayo ng bahay gamit ang mga basyong boteng ito.
Ngunit bago niya nasimulan ang kanyang proyekto ay pumunta siya sa isang local school at tinanong sa mga bata kung ano ang kanilang mga hiling. Isang bata ang nagsulat at sinabi na sana ay magkaroon ang kaniyang pamilya ng isang bahay na hindi na nila kailangan pang magsiksikan. 

Dahil dito, naging motibasyon ito para kay Ingrid na isakatuparan ang kanyang naging ideya at pangarap na makatulong sa mga taong nangangailangan. 
Nangolekta siya ng napakaraming basyong plastic at glass bottles upang masimulan ang kanyang project dahil napakamahal ng mga bricks para makagawa ng bahay. Pinuno niya ang mga ito ng lupa at buhangin sa loob upang makagawa ng matibay na pundasyon. 
Upang makagawa ng bahay na may sukat na 1,830 square feet, kakailanganin ng kanyang team ang 36,000 basyong plastic bottles.
Sa paraan ng kanilang pagrerecycle, ay nakapagtayo sila ng 300 na bahay gamit ang milyong milyong nirecycle na plastic bottles. Wala man talaga siyang experience sa pagiging isang architect, ngunit ang motibasyon niyang makapagtayo ng bahay para sa mahirap ang naging daan upang matupad ang kanyang mga pangarap. 

1 comment

Add yours

+ Leave a Comment