Mabait Na Sidewalk Vendor Nagbibigay Ng Libreng Tutor Sa Mga Estudyante
Karamihan sa mga sidewalk vendors ay hindi nakapag-tapos sa pag-aaral, ngunit hindi ibig sabihin nito na wala silang karapatan magturo. Ang iilan sa mga ito ay nakatapak rin sa eskwela kaya naman kahit papaano ay mayroon pa rin silang kaalaman.
Sa katunayan, ang isang sidewalk vendor na ito na natagpuan sa may EDSA ay naging viral dahil nagbibigay siya ng libreng pagtu-tutor sa mga elementary students habang siya ay nagtitinda.
Ang netizen na si Jj Felipe Desanjose Faigmani ang nagbahagi ng mga larawan sa social media ng tinderong ito na nakilala bilang si Kuya Guillermo.
Ayon kay Felipe ay madalas niyang nakikita na may mga estudyanteng tumatambay tuwing hapon sa pwesto ng tindero. Ngunit isang araw ay inusisa niya kung ano ba ang ginagawa ng mga estudyante doon.
Doon ay mapag-alaman niya na kaya pala maraming estudyante na pumupunta sa kanya ay dahil ang tindero na si Kuya Guillermo ay nagbibigay ng libreng pagtuturo sa mga batang ito.
Noong oras na huminto siya at kinuhaan niya ng video ang mga ito, ang mabait na tindero ay saktong nagbibigay ng spelling quiz sa mga bata. Namangha ang netizen dahil sinisigurado ni Kuya Guillermo na nakukuha ng mga bata ang tamang ispelling at may natututunan sila sa kanyang tinuturo.
At dahil ang kanilang tutor ay may ibang trabaho, kahit na naantala ang kanilang lesson dahil may mga customer na bumibili ay tinitiyak niya na babalikan niya ang pagtuturo sa mga bata.
Ayon sa netizen, napansin din niya na mismo ang sidewalk vendor pa ang nagdadala ng mga lapis at papel para magamit ng mga bata at makapagparticipate sa kanilang sidewalk lessons.
At ang nakaka-touch pa dito ay kahit na sa kanya lumalapit ang mga estudyanteng nais magpaturo ng leksyon ay hindi nagagawang maningil ng tindero sa mga ito.
Hindi lamang isang napakabait na tindero si Kuya Guillermo kundi may malasakit pa siya sa mga bata na gustong matuto. Tunay na nakaka-proud ka Kuya!
+ There are no comments
Add yours