Maraming Netizens Ang Na-Touched Sa Viral Photo Ng Isang Matandang Nakatulog Sa Bangketa Habang Nagtitinda Ng Saging
Kung noong bata pa tayo ay inalagaan tayo ng ating mga magulang, sana sa kanilang pag-tanda ay ang mga anak naman ang mag-alaga sa kanila. Ang mga matatanda ay dapat na lamang nagpapahinga sa bahay dahil humihina na ang kanilang mga katawan.
Ngunit dahil sa hirap ng buhay, minsan ang mga lolo at lola ay kumakayod pa rin para maitaguyod ang kanilang pangangailangan. At ang masaklap pa, minsan ay hindi lamang para sa kanila ang kanilang kinikita kundi sila ay tumutulong pa rin upang mabuhay ang kanilang pamilya.
Naging viral sa social media ang isang larawan na ibinahagi ng netizen na si Jeff Garcia. Makikita sa photo ang isang matandang lalaki na nakahiga at nakatulog sa bangketa habang nagtitinda ng mga saging.
Sa isang simpleng larawan, mararamdaman na kung gaano kapagod ang matandang lalaki dahil sa kanyang edad at mahinang katawan ay nagsusumikap pa rin siyang magtinda ng prutas imbes na sana ay nagpapahinga na lamang siya sa bahay.
Sa post ng netizen, nilagyan niya ito ng caption na:
“Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ang kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos. God bless you tatay.”
Napag-alaman din na ang larawan ay hindi nakuha dito sa Pilipinas kundi sa bansang Indonesia. Hindi man natukoy ang rason kung bakit nagtitinda pa rin si tatay kahit siya ay matanda na, ngunit tinitiyak na siya ay kumakayod pa rin para mabuhay.
Maraming netizens ang humanga sa kasipagan ni tatay at naantig ang kanilang puso sa kawawang matanda. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:
“Talaga pong ang lahat ay gagawin ng magulang para sa anak. Ako din po pag may nakitang matanda na nagtitinda ay bumibili ako.”
“Kapag nakakita kayo ng mga ganitong nagtitinda, pakiusap ‘wag ninyong baratin o tawaran. Hindi sila mga kapitalistang ganid sa pera ninyo. ‘Yung konting tubo nila ay sasapat lang para pang suporta sa pang araw-araw nilang gastusin at pang puhunan para makatinda ulit sila kinabukasan.”
“God bless u tatay. Ito yung dapat bigyan nang tulong hindi yung nanlilimos.”
Yung iba Jan ginagawA feeling rich pero Hindi nila alam yung manga magulang nila kumakayod sa bukid para mAgsaka maibigay lang luho nila sila pasarap buhay tang inang yan
Yung iba nmn kht Makita nila mga gnyan wala LNG cla pki nakakaawa nmn c tatay.
I usually buy to lighten their loads back home.
God blesses them well.
Ang sakit isipin na lahat ng magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak.. peru bakit ang mga anak di kayang magsakripisyo para sa mga magulang na matatanda na at walang kakayahan na maghirap at magpagod pa ? Ang ating pag-aalaga sa ating mga magulang ay sapat na kabayaran na para sa lahat ng kanilang sakripisyo para sa atin 🙁 Love and care for the elderlies habang anjan pa sila 🙂