Nalulula Ang Mga Drivers Tuwing Dadaan Sa Bridge Na Ito Na Sobrang Matarik
Mayroong mga tao na natatak0t sa heights o sa mga matataas na lugar. Sa tuwing sila ay nasa mataas na lugar ay nangangatog ang kanilang mga tuhod at parang pakiramdam na nalalaglag ang kanilang tiyan.
Ganito ang nararamdaman ng mga nagmamaneho at mga pasahero sa tuwing sila ay dadaan sa napakatarik na bridge na ito sa Japan. Sa sobrang tarik at taas nito ay nakakanerbyos na para bang ikaw ay nakasakay sa isang rollercoaster ride kaya doon din nakuha ang pangalan nitong “Rollercoaster Bridge.”
Ang bridge na ito ay matatagpuan sa Eshima Ohashi sa Sakaiminato Japan na ginawa noong taoong 1997-2004. Ito ay mayroong incline na 6.1 percent na kung titignan sa malayuan ay sobrang tarik para sa mga sasakyan lalo na’t mayroon lamang itong two-lane concrete road.
Talagang sinadya na ganito ang arkitektura ng tulay para makakadaan ang mga bangka at barko sa ilalim sa Nakaumi Lake nang hindi nade-delay. Ang tulay ang nagdudugtog sa siyudad na Matsue at Sakaiminato.
Dahil maraming mga barko at maliliit na bangka ang dumadaan sa lake ay kinailangan nilang idisenyo ng ganito ang bridge. Ang Eshima Ohasashi Bridge ay pangatlo sa kaparehong mga tulay na ganito ang istruktura sa buong mundo.
Sa mga letrato, ang bridge ay nagke-create ng isang optical illusion na tila parang isa itong vertical road. Mayroon rin itong taas na 144 feet at may haba na 1.7 kilometers.
Na-feature rin ang kakaibang pagkatarik ng bridge na ito sa isang commercial ng Daihatsu Motor Co.’s Tanto minivan upang masubukan ang katibayan ng sasakyan pagdating sa mga matatarik na lugar.
Nakakagulat ring malaman na wala pa namang naitalang aks!dente ang nangyari sa Eshima Ohashi Bridge. Ayon sa mga awtoridad, kahit na ganito ang istruktura ng bridge ay safe itong daanan ng mga sasakyan.
Naging atraksyon din ito sa mga ibang turista na nais makadaan sa isang uri ng kakaibang bridge sa buong mundo.
Kung ikaw, susubukan mo bang makadaan sa bridge na ito?
+ There are no comments
Add yours