Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan



Ang ating mga nanay ay gagawin ang lahat upang hindi lamang mahirapan ang kanyang anak kahit na ang ibig sabihin nito ay matinding sakripisyo sa kanyang parte. Katulad na lamang ng isang ina na ito na kahit mukhang hirap na hirap na siya sa pagkandong sa kanyang anak sa tren ay hindi niya ito ginising. 
Ang larawan ay nakuha sa isang tren na hindi malaman ang eksaktong lokasyon. Sa mga pampublikong lugar o sakayan, mayroong inilalaan na espasyo, upan, o lugar para sa mga persons with disability (PWDs), buntis, senior citizens, at sa mga may kasamang bata. 
Ang espesyal na lugar na ito ay nakalaan sa mga nabanggit upang sila ay hindi mahirapan. Ngunit tila naging kabaligtaran ang naranasan ng inang ito na kandong kandong ang kanyang natutulog na anak sa kanyang hita habang sila ay nakasakay sa isang tren. 

Malinaw na prayoridad sila lalo na’t kasama niya ang kanyang anak na nakatulog. Ngunit kahit na nakikita na siya ng ibang tao na nahihirapan ay ni isa man lang ay walang nag-alok sa kanya ng upuan. 
Makikita na naka-squat na lamang sila sa isang sulok habang ang ina ay may dala-dala pang school bag sa kanyang likod. Ipinapalagay na ang mag-ina ay galing sa eskwela at sinundo ang kanyang anak. Ngunit dahil sa pagod kaya nakatulog na lamang ang kanyang anak habang sila ay nagba-biyahe ng 40 minutes patungo sa kanilang pupuntahan.
Mapapansin na maraming tao ang nasa loob ng tren na nakakakita sa kanila pero dinadaan-daanan lamang sila. At ang masaklap pang isipin ay wala man lang tumayo o nag-offer sa kanila na mauupuan upang hindi sila mahirapan.
Sa tagal ng biyahe ay tinitiyak na nangalay na ang mga binti ng ina. Bakas sa kanyang mukha na nahihirapan siya sa pagtulog ng kanyang anak at tinitiis niya ito kahit na 
Nakakadismaya lamang ang mga taong walang pakialam dahil kahit hirap na hirap na ang iyong kapwa ay hindi mo man lamang tutulungan. 

9 Comments

Add yours

+ Leave a Comment