Nilikha ng Tatlong Pinoy Inventor ang Kakaibang Uri ng Lamesa na Ito Para sa mga Preschoolers!




Nilikha ng mga Pilipinong imbentor ang isang “quak3-pro0f d3sk” para sa mga preschoolers ang nilikha upang mapaghandaan ang tinatawag na “The Big One” o iba pang mga serye ng pagyan1g na maaring maranasan ng sinuman sa atin. 
Ayon sa opisyal na pahayag ng Department of Science and Technology o mas kilala na DOST, ang lamesa na naimbento ay mula sa likha ng mga grupo ng mga eksperto at mananaliksik na galing pa sa iba’t ibang unibersidad sa Maynila tulad na lamang ng Philippine Normal University o PNU, De La Salle University o DLSU, at Technological University of the Philippines o TUP. Inimbento ang lamesa na ito bilang isang impact-proof automated study desks para sa mga mag-aaral lalo na sa mga bata katulad na lamang ng mga nasa elementary hanggang pre-school.

Ang desk o pinangalanan nilang LAMESA o Life-Saving Automated Mesa ay sensitibo sa anumang paggalaw na maaring maranasan. Ayon sa DOST ang Lamesa ay ang pinagsama samang makabagong teknolohiya upang makaiwas o makaligtas sa anuman uri ng pang@nib na maaring dumating partikular na sa mga estudyante sa paaralan. Ang lamesa na naimbento ay may sukat na 0.69 sa haba, 3.33 na lapad, at 0.57 na taas na maaring magkasya ang sinumang bata na magtatago sa ilalim nito. Yari ito sa bakal at nababalutan ito ng epoxy paint upang tumagal ang kalidad nito.
May makikita ding storage bin sa paanan nito upang makapagtago ng mga devices o anumang maaring makatulong gaya ng pagkain, tubig, first aid kit. Ayon pa sa pamunuan ng DOST, malakas makaramdam ang lamesa na ito ng anumang paggalaw o pagyan!g na magpapadala ng babala upang makapagtago na ang mga bata sa ilalim nito. Sa ngayon, patuloy parin sa pagtuklas ang DOST ng mga bagong imbensyon na maaring makatulong sa lahat ng mamayang Pilipino.


+ There are no comments

Add yours