Pagpapakulo ng Bote, May Masamang Epekto sa Kalusugan ng Sanggol!
Ilang ina ang naniniwalang kapag gusto mong malinis o maalis ang bakterya sa bote ng bata ay kailangan itong pakuluan para naman bumalik sa dating malinis na bote ang gamit na ito. Pinaniniwalaan na kapag pinakuluan natin ang isang bagay at maaalis na ang bakt3rya na nakapaloob rito, pero kabaliktaran naman pala ang kalalabasan nito dahil maaaring makasagap ng iba’t ibang panganib ang inyong baby.
Ayon sa ilang nutritionist, halos lahat ng bote ng sanggol ay gawa sa pyrocarbonate plastic material, at kung mainitan umano ang isang uri ng pyrocarbonate plastic ay maaaring gumawa ng isang compound na tulad ng Bisphenol-a (BPA) na masama sa katawan ng tao lalong lalo na sa mga sanggol dahil maaari nitong magambala ang nervous system, immune system at ang reproductive systems ng bata.
Mas madaling kapitan ng imp3ksyon ang mga sanggol dahil hindi pa masyadong developed ang kanilang immune system hanggang sa dalawang taong gulang sila. Kaya naman hindi pa sila masyadong ligtas sa mga bagay na kanilang ginagamit tulad ng pagkain at gamit sa pangkain kung hindi ito sterilized at ang pagpapakulo sa mga ito ay hindi sapat.
Kung hindi ka naman kampante sa hugas lang ng bote at gusto mo itong pakuluan, mas maganda na magpainit na lamang ng tubig at ito ang gamiting panghugas para mas ligtas at healthy para sa bata, o mas mabuti kung gamitin ang Steam sterilizer para rito. Ang steam sterilizer ay mabisang gamit at simple lang kung gamitin, dahil sa pamamagitan nito, mapap^tay talaga ang mga masamang bakterya dahil umaabot ito sa bawat sulok ng bote. Hindi na rin ito matrabaho dahil hindi na ito kailangan pang balik-balikan, mabilisan at may magandang kalidad na pwedeng gamitin sa anumang oras or araw.
+ There are no comments
Add yours