Sari-Sari Ang Naging Komento Tungkol Sa Larawang Ito Dahil Sa Pagkakasalansan Ng Mga Hollowblocks Sa Isang Bahay




Pagdating sa paggawa ng bahay, ang pinakaimportanteng bagay na dapat isaalang-alang ay kung gaano ba ito katibay at kung gaano ito tatagal sa paglipas ng panahon. Hindi birong magpatayo ng bahay dahil sa napakamahal na presyo ng mga materyales at maging ang labor ng mga taong gumagawa. Kaya naman kung posible, ay mas makakabuti kung agad matatapos ang iyong ipinapatayong gusali.
Ngunit ang isang larawan ng isang bagong tayong dalawang palapag na bahay sa Lagro, Quezon City na ibinahagi ng isang netizen na si Romulo Tama sa kanyang social media account, ay naging viral at usap-usapan ngayon sa social media.
Sa unang tingin ay akala mo ay isa lamang itong normal na bagong tayong bahay. Ngunit kung sisiyasating mabuti, ang pagkakasalansan ng mga hollowblocks ay kakaiba kumpara sa tipikal nating nakikita sa mga construction na dapat ay alternating. 
Naging puno’t dulo ito ng pagtatalo ng mga netizens dahil marami ang hindi sumasang-ayon sa pagkakalagay ng mga ito. Makikita na iba ang konstruksyon dahil bukod sa pantay pantay na pagkakalagay ng mga hollowblocks ay wala pang concrete posts ang mga gilid ng bahay.
Mukha mang maayos ang pagkakalagay ay marami ang nagtataka kung bakit ganito ang ginawa ng mga gumawa. Mayroong mga nagkomento na baka dahil bago ang mga ito kaya hindi nila alam ang tamang paraan ng paglalagay ng mga hollowblocks.

Maraming netizens naman ang naging concerned dahil ang building ay hindi raw safe at madali daw itong masira kapag nagkataon na mayroong lindol sa lugar na iyon. 
Ayon sa naging post ni Romulo,
“Sabi ng may-ari ng bahay na ito sa mga gumagawa sa bahay niya, “Salamat at madali ninyo matatapos. Kaya lang nang tingnan niya ang hollowblocks, pantay-pantay ang pagkalagay! Mga fb friends, anong masasabi ninyo rito sa gumawa ng bahay niya? Pero yan po ang Stack bond design sa Japan, Saudi Arabia, at America, ganyan karamihan ang design ng hollowblocks nila sa pagsalansan.”

Marahil ang disenyong ito ay kadalasang ginagamit sa mga ibang bansa, mas makakabuti kung talagang sisiguraduhin muna kung ang pagkakagawa nito ay safe ba o hindi at kung magtatagal ito ng matagal na panahon. 

8 Comments

Add yours
  1. 3
    Unknown

    ,wg nlng kau mkialam kc ndi nmn kau pinakekealaman ng my Ari nyn.., knya knya taung diskarte at style.., ang intindihin at pkealaman nio ay ung srili niong buhay….! Unang una ndi nmn nanghinge cenio ng pera ung my Ari nyn at ndi Nia nmn hiningi ang ipinyon nio…!
    #JustSaying

  2. 4
    Unknown

    para sakin kung no. 6 na hollowblock yan ok lang nman pro yung hindi oh yung corner bat wlang mga colum.
    alternate nga ang hollowblock pro wla nman culom tapos my beam pa san nka patong yong beam sa hollowblocks?
    maling mali talaga..

    kahit sinung may ari ng nag papatayo ng bahay gusto na mapadali ang pag tapos ng kanilang bahay pro kung iqw nman matino kang construction skill workers alam mo nman cguro pano maging pulido ang gawa mo.
    quality ang priority nating mga contruction workers di to pabilisan..

  3. 7
    Unknown

    S mga walang alam n tulad mho.. Ang alterbatin stockz ay para s mag nagtitipid.. Ang ganyang kamada ay matibay dahil sagad s ilalin ang semento nyan.. At yan may kakayahang sumabay s d kalakasang lindol

  4. 8
    Unknown

    Pwede naman talaga yan..madalas po ginagawa ang ganyan sa mga structure na may matibay na reinforcement katulad ng metal beams…no need na po talaga lagyan pa ng maraming beams yan kung matibay na po ang reinforcement nya.stock file design po tawag Jan at matagal na po ginagawa yan using a specified type ng hollow block

+ Leave a Comment