Sobrang Laki! Napatubo Ng Lalaking Ito Ang Pinaka-Malaking Carrot Sa Buong Mundo At Iba Pang Higanteng Gulay



Mayroong mga tao na mahilig magtanim nga mga prutas at gulay sa kanilang bakuran upang mas makatipid sa mga binibili sa palengke. Kapag inani na ang mga ito ay makakatiyak ka rin na walang itong mga halong gamot o kemikal dahil ito ay iyong sariling mga tanim.
Sa kabilang banda, may isang 34-year old na lalaki naman nagtatrabaho sa isang marketing company na kinilala bilang si Chris Qualley na taga Minnesota ay namumuhay lamang ng normal hanggang tatlong taon ang lumipas ng nagsimula ito mag-garden at magtanim ng mga gulay sa kanyang bakuran.
Naging viral siya ng mag-post ito ng kanyang letrato sa internet hawak-hawak ang higanteng 2-feet tall na carrot na mayroong bigat na 22 pounds (9.9kg).
“I knew very little about gardening, but three years ago I start growing a “regular” garden and then the following year I started with giants.”

Noong una ay nagtanim siya ng isang carrot, makalipas ang ilang buwan ng aanihin na niya ito ay ubod ito ng laki. Alam ni Chris na napaka-espesyal ng kanyang tanim na higanteng carrot kaya naman kinontact niya ang Guinness Book of World Records. 
Matapos itong suriin ay itinanghal ang kanyang carrot bilang “world’s heaviest carrot.”
Marami ang nagtatanong kung ano ba ang kanyang sikreto sa pagtatanim ng mga higanteng gulay. Ngunit ayon kay Chris, ito ay nakadepende sa panahon.
“Don’t get me wrong, I dump a lot of fertilizer… But the weather this summer has been somewhat cool and cloudy- perfect growing conditions for a carrot.”


Pero hindi lamang pala ito ang kauna-unahang higanteng gulay na naitanim ni Chris. Sa katunayan, nakapag-ani rin ito ng 7 pound (approx. 3 kg) na kamatis at higanteng pumpkin na may bigat na 1,900 pounds sa kanyang vegetable garden. Siya rin ay may pinapatubong higanteng pakwan at dalawa pang naglalakihang pumpkin.
Umaasa siya na sa mga susunod pa niyang mga ani ay makatanggap muli siya ng mga recognition. At para naman sa kanyang 2-feet tall na giant carrot, balak naman niya na ilagay ito sa kanyang ref at itatanim muli nito.

+ There are no comments

Add yours