VIRAL: Babae, Gumawa ng Higanteng Bahay na Patatas at Maaring Rentahan ng $200 Isang Gabi


Lahat tayo ay nangarap na tumira sa loob ng isang patatas, lalo na para sa mga mahihilig sa patatas, matulog sa isang lugar na puro hash brown ang laman, fries ang mga maaring makita, at tonetoneladang mash potato ang maaring mahawakan. 
Nakakamangha man at napakahirap isipin ngunit ang panaginip o pangarap na ito ay maaring maging totoo. Kung is aka talaga sa mga paborito ang patatas, paniguradong nanaisin mong magbook ng isang gabi sa isang malaking patatas na hotel na ito na makikita sa Idaho na pinaparentahan ngayon sa Airbnb.

Ang hugis patatas na ito ay isang 6-ton na struktura na gawa sa bakal, plaster at semento. Nilagay ito sa gitna ng malaking palayan sa Owyhee Mountains sa South Boise, Idaho. Kahit na hindi gawa sa mashed potato ang maari mong higaan, makikita naman talaga na ang interior nito ay talagang dinerkorasyon ng mabuti. Maaring humiga at tumira ang dalawang tao dahil meron itong isang malaking queen bed, mayroon din itong banyo sa loob, kitchen, fireplace at naka aircon pa ang buong paligid nito. Nakapintura din ito ng accent na pink na ginagawa naman talagang itong ka Instagram-instagramable sa loob.

Tinatanyag na may sukat itong 28 feet nah aba, 12 feet na lawak at 11.5 feet na tangkad. Ginawa ito ng Idaho Potato Commission upang ipromote ang naturang gulay. Ngunit sa loob ng 6 years na nasa truck lamang ito upang ipromote na gulay ay naisipan ng isang babae na nagngangalang Kristie Wolfe, isang home developer, na gawin ito bilang isang property.  Ang pagtulog sa potato house na ito ay nagkakahalaga ng $200 kada gabi, dagdag pa ditto ang $31 service fee at $16 occupancy taxes and fees na nagkakalagang pangkalahatan na $247 isang gabi. 

+ There are no comments

Add yours