Aktor na si Matteo Guidicelli, Hindi Nakaligtas sa Pagkakahuli ng MMDA dahil sa Hindi Pagsunod ng Batas Kalsada
Hindi naka ligtas ang aktor at modelong si Matteo Guidicelli ng mahuli siya ng Metropolitan Development Authority (MMDA) sa no-contact apprehension policy. Ngunit sa halip na siya ay magreklamo sa MMDA sa pag kalabag sa yellow lane policy, namangha pa ang aktor sa pagiging epektibo ng no-contact apprehension policy.
Ibinihagi ni Matteo sa kanyang Instagram account na siya ay nakatanggap ng tiket mula sa MMDA sa paglabag nito sa Yellow Lane Rule kasama na ang black and white screenshot galing sa CCTV ng ahensya. “So today I got a mail from the MMDA. I opened it up, and guess what I saw,” Sabi ni Guidicelli sa kanyang mga Instagram followers noong Martes. “It’s kind of my driver’s fault, but I’m very impressed that I got a ticket right here from the MMDA because my van crossed the yellow line into the bus lane.”
Kahit hindi siya at ang kanyang drayber ang nag mamaneho ng kanyang van na nakunan sa CCTV, sa kanya naman nakarehistro ang sasakyan kaya nakatanggap siya ng tiket. Imbis na mag reklamo ang aktor, na isang masugid na mangangarera at kolektor ng sasakyan, namangha siya sa pagiging epektibo ng no-contact apprehension policy. “I’m going to have to pay P650,” sabi ng aktor sa kanyang video.“I’m very, very impressed that the MMDA has this and everything is going digital, and people can actually get caught and sent their ticket at home. So this is really cool. Congratulations to the MMDA. This is really awesome.”
Nag tayo at nag asemblo ng mga CCTV ang ahensya upang makunan ng larawan at video ang mga motoristang lumalabag sa batas trapiko. Lagi nating pag kakatandaan na nag mamasid ang MMDA sa kalsada. Hindi mo alam, maaring may nag hihintay na palang tiket sa inyong bahay. “Follow the rules and drive safe.” ika nga ng MMDA.
+ There are no comments
Add yours