Batang Nanlilimos sa Labas ng Isang Fast Food Restaurant, Binigyan ng Graduation Party ng Nasabing Kainan




Hindi lahat ng tao ay ipinanganak na swerte sa buhay at mayaman, na ang lahat ng kanilang kailangan ay nandiyan na agad sa kanilang tabi bago pa nila ito hilingin. Sa tunay na buhay, alam natin na mas marami parin ang mahirap kay sa mga mayayaman. Ngunit maraming tao ang ipinanganak ng mahirap na talaga namang nagsisilbing inspirasyon natin na sipagin natin at tiyagain ang lahat ng pagsubok na maaring dumating sa ating buhay at kinakailangan natin pangalagaan ang edukasyon dahil ito ang tinuturin na pinakayaman ng kahit sinong nilalang.
Ilang taon na ang nakaraan, si Daniel Cabrera ay nagviral matapos may makakita sa kaniya na nagaaral ng kaniyang mga takdang aralin sa labas ng isang Mcdonalds outlet sa Subangdaku sa Mandaue Cebu. Napagalaman na ang bahay nila ay walang kuryente, ngunit hindi ito naging hadlang para sa kaniya na gawin ang mga bagay na kailangan niyang tapusin para sa kaniyang pag-aaral. Araw-araw ay nagdadala ang bata ng kaniyang notebook sa labas ng naturang establisyimento upang mag-aral dahil malakas ang ilaw ng kainan na ito. 

Ang kaniyang larawan ay nagviral dahil maraming mga netizens ang natuwa sa bata dahil sa pagpapakita nito ng kaniyang kapursigihan sa buhay. Ngunit kamakailan lamang ay nag graduate na si Daniel mula sa Subangdaku Elementary School. Na talaga namang nakakuha pa siya ng mga awards gaya na lamang ng Best in Math at Best in Attendance. Kahit pa man ang kaniyang mga assignatura ay ginagawa niya sa labas ng establisyimento ay napapakita nito ang kaniyang kakayahan sa edukasyon.
Kaya naman kamakailan lamang ay binigyan siya ng nasabing branch ng Mcdonalds ng isang graduation party bilang isang regalo dahil sa kahanga hanga niyang ipinamalas. Ito ay sinagot mismo ng kumpanya upang magantimpalaan siya sa kaniyang pinamalas. 


+ There are no comments

Add yours