Bunga Ng Pagsisikap, Crew Ng Fastfood Napagtapos Ang Kanyang GF Sa Kolehiyo At Cum Laude Pa



Ano pa ba ang mas sasaya kapag nakita mo ang iyong mahal sa buhay na naabot na ang kanyang pangarap. At ang mas nakakamangha pa rito ay kung ikaw ang naging daan at tumulong sa kanya upang maabot niya ito. 
Marami ang na-inspire sa kwento ng magkasintahang ito na parehong nagsikap upang maabot ng isa ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
Ilang taon ng magkasintahan si Blessy Parreno at RM de Martin. Nasa kolehiyo pa lamang noon si Blessy at mayroon na siyang problemang pinansiyal. Ngunit laking pasasalamat niya dahil nandiyan ang kanyang boyfriend na handang tumulong sa kanya upang maituloy niya ang kanyang pag-aaral. 
High school lamang ang natapos ni RM at nasubukan niyang mamasukan bilang isang construction worker, cook hanggang naging OIC ng isang fastfood. Hindi man nakatapos ng pag-aaral si RM ay naging biyaya naman siya kay Blessy dahil bunga ng kanyang sikap sa pagta-trabaho ay napatapos niya sa kolehiyo ang kanyang kasintahan. 
Marami ang nangungutya sa kanilang relasyon noon kesyo iiwanan rin daw ni Blessy ang kanyang BF pagka-graduate nito. Ngunit pinatunayan nilang dalawa na hindi totoo ang mga sabi-sabi ng mga ibang tao sa kanila.

Sa post ni Blessy, ipinahayag niya kung gaano niya ipinagmamalaki na magkaroon ng isang  mabait na kasintahang tulad ni RM.
“Hindi ko ikinakahiyang highschool graduate ka, di marunong mag English at taga-uma. Oo ganyan ka kababa sa paningin ng iba, pero di nila alam kung gaano kami ka proud sa narating mo. #2019- ISANG MANG-INASAL BOY, NATULUNGANG MAKAPAGTAPOS ANG TAONG MAHAL NIYA.”

Ipinahayag rin niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat rito.
“Isang taos pusong pasasalamat sayo RM de Martin kung wala ka, wala rin akong mararating. Nandito ako, umasa kang hindi ka iiwan at susuklian ang lahat ng iyong paghihirap.”
Sa katunayan, hinangaan ang kanilang teamwork dahil nagpursigi rin talaga si Blessy upang matapos ang kanyang kurso at bukod dito siya rin ay nakapagtapos bilang cum laude. 

+ Leave a Comment